Ilang eksperto: Kahit pandemya, mga Pilipino positibong sasalubungin ang 2021

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Ilang eksperto: Kahit pandemya, mga Pilipino positibong sasalubungin ang 2021

ABS-CBN News

Clipboard

Mga nagpapailaw sa bisperas ng Bagong Taon, Disyembre 31, 2019. George Calvelo. ABS-CBN News/File

MAYNILA - Handa na ang mga t-shirt, premyo at ang group chat ng mga magkaka-barangay sa Sta. Cruz, Maynila para sa virtual nilang pagsalubong sa 2021.

Aminado ang residente na si Beverly Bangayan na nalulungkot siya sa bagong mode ng pagsasalo ngayong may coronavirus disease (COVID-19) pandemic pa rin at nililimitahan ang paglabas ng mga tao.

"Malungkot kasi walang beso-beso, chika-chika. Di katulad noon, hug and kisses. Ngayon, wala. Kaway-kaway muna,” ani Bangayan.

Naghahanda naman para sa mas simpleng Media Noche ang residenteng si June Alyson Ramos.

ADVERTISEMENT

"Kung dati, kilo-kilo, maramihan talaga. Ngayon, ano na lang siguro pira-piraso. Makumpleto lang namin 'yung prutas,” ani Ramos.

"Dati kung magluto kami, kahit na hindi masyadong kumakain, nagluluto. Ngayon, kung ano lang 'yung kakainin nila, 'yun lang ang ilalagay namin sa table," dagdag niya.

Umaasa naman sa mas masuwerteng Bagong Taon ang gaya ni Mamita Lorenzo na namili ng pampasuwerte sa Binondo sa Maynila.

"Itong 2021 marami pa ring mga pagsubok sa atin na magaganap kaya kailangan din natin ng mga lucky charm," ani Lorenzo.

Ayon sa sociologist na si Prof. Jimmuel Naval, may mga pagbabago sa paraan ng paghahanda at pagsalubong sa 2021 dahil sa coronavirus disease (COVID-19) pandemic.

ADVERTISEMENT

"Mababawasan 'yung laman nu'ng mahabang table, ng long table kasi nga maraming nawalan ng trabaho. So kaunti lang 'yung pagkain pero isasalba at isasalba natin ito, itatawid at itatawid natin ito," ani Naval.

Pero paniwala ni Bro. Clifford Sorita, isa pang sociologist, na hindi sa nakagawiang ingay nakasalalay ang bagong taon ng mga Pinoy.

"Tahimik man ang ating celebration pero meron siyang kakaibang ingay. Ano 'yung ingay na ito? Iyon ang puso, iyong pusong nagsasabi na may sense of hope. Iyan ang mahalaga, 'di ba? Oo, tahimik ang physical surrounding natin. Pero deep inside ourselves, there is this resounding sense of hope," ani Sorita.

Nananatili namang positibo ang pananaw nina Bangayan at Ramos sa pagsalubong sa 2021.

"Sana walang magkasakit sa 'tin, sana manatili tayong malusog,” ani Bangayan.

ADVERTISEMENT

"Good vibes para sa lahat. Wag masyadong dibdibin ang problema, makakaraos din tayo," ani Ramos.

-- Ulat ni Arra Perez, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.