GOOD VIBES: Bride na kumuha ng parcel sa gitna ng wedding photoshoot
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
GOOD VIBES: Bride na kumuha ng parcel sa gitna ng wedding photoshoot
ABS-CBN News
Published Apr 15, 2024 06:12 PM PHT

Kuwento ng bride, nasa photoshoot siya at naghahanda para mag walk down the aisle nang dumating ang delivery rider. Courtesy of MadZhots by Madz Caisip

MAYNILA — Naghatid ng good vibes ang mga larawan ng newly-wed bride na si Darlyn Guevarra-Ramos matapos nitong kunin ang parcel mula sa isang delivery rider.

Kwento ni Guevarra-Ramos ay kasalukuyan silang nagpo-photoshoot bago ang kanyang mismong kasal nang dumating ang taga-deliver ng parcel sa kanilang lokasyon.

Nagulat na lamang din siya nang may magtanong ng kanyang pangalan at ibinigay ang parcel.

Ang parcel ay naglalaman ng desktop organizer na in-order niya ilang araw bago ang kasal at ito ay naka-cash on delivery payment.

Dagdag pa ni Guevarra-Ramos ay mga kapit-bahay niya ang nagturo sa delivery rider ng kanyang lokasyon kung kaya’t nakarating ito sa venue ng photoshoot.

Ikinasal si Guevarra-Ramos noong Marso 23, 2024 sa Immaculate Conception Parish Church.

Kuwento ng photographer at Bayan Patroller na si Madz Caisip, maging sila na nasa venue ng photoshoot ay natawa na lamang din sa nakita.

Nagpapasalamat sila sa mga netizen na napangiti ng mga larawan. — Cielo Gonzales, BMPM