Pinoy na designer, binandera ang mga likhang mula sa recyclable materials
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Pinoy na designer, binandera ang mga likhang mula sa recyclable materials
ABS-CBN News,
Jomari Gimongala,
ABS-CBN News Intern
Published Jul 14, 2024 12:00 PM PHT

Isa sa mga obra ni Nivil Arsy para sa kanyang adbokasiya na "Trash to Class." Kuha mula sa Facebook page ni Nivil Arsy

Pinatunayan ng isang designer, katuwang ang kanyang partner, na may "ginto sa basura" sa pamamagitan ng mga obra nitong mala-world class gamit ang mga recyclable materials.

Nagmula sa Pagadian City, Zamboanga del Sur ang designer at makeup artist na si Roseller Cagas, o mas kilala sa bansag na Nivil Arsy -- ang tinaguriang "ecoqueen" at "ecovlogger" ng kanilang bayan. Samantala, isang photographer at artist naman ang kanyang partner na si Jemie Apare.

Kapwa nilang isinusulong ang adbokasiyang "Trash To Class" kung saan bumubuo sila ng mga costume gamit ang basura tulad na lamang ng balat ng chichirya, plastic bottles, caps, at soda cans.

Pinusuan ng mga netizens ang proseso sa paggawa ng mga costume na may 196,000 reaksyon at mahigit apat na milyong views sa Facebook, pati na rin sa TikTok page ng designer.

Taong 2014 nang nagsimula si Nivil na lumikha ng mga disenyo. Sa kasalukuyan, hindi na mabibilang sa kamay ang mga nagawa niyang costume. Aniya, sila mismo ang kumukuha ng mga materyales sa daan at sa mga junk shop.

"Iba talaga kapag eco lover. So kapag lang mayroon kaming nakikitang basura, kahit mayroong pa 'yang tao, kahit ano pang sabihin, pinupulot talaga namin, kahit sa basurahan pa 'yan. At minsan pumupunta rin kami ng junkshop," ani Nivil.

"At saka literally, talagang madumi siya (basura). Kaya may mga video kami 'yung paano siya kinuha at paano siya pino-process... Naniniwala po kami sa kasabihang 'may pera sa basura,'" dagdag niya.

Nagagamit ang mga costume ng designers sa mga local pageant sa kanilang probinsiya, at minsan na ring nakatungtong sa national at international na entablado gaya ng Vietnam.

Inaabot ng tatlo hanggang apat na buwan bago matapos ang isang disenyo, kaya't kakaibang pagpupursige ang nilalaan ni Nivil upang makabuo ng mga likhang ito.

Kasalukuyan din siyang owner ng Guna's Diseños, na maaaring pagrentahan ng kanyang mga likha.

"I am a gown shop owner... because I am a coordinator. So ito lang ang main business ko. In my shop, aside sa mga costumes, mayroon kaming mga wedding dress, 'yung mga pangrenta na mga gowns, tuxedo. Parang all-around na po kasi ako dito," dagdag niya.

Bukod dito, gumagawa rin ang mag-partner ng mga lace, plaque, frames, DIY bouquet, at souvenir items. Ilan sa mga ito ay gawa mula sa indigenous na materyales gaya na lamang ng cacao leaves, corn husk, at iba pa.

Ibinagi ni Nivil na mahalagang maging parte sa pagprotekta sa kalikasan at hinikayat nito na gawing kakaibang obra ang mga recyclable materials.

"Marami po tayong basura... So, I really encourage to use mga creation which is made of [recycled materials]," aniya. "Mas unique siyang tingnan kung gagamit ka ng ibang materials."

Read More:
fashion
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT