Nakatiwangwang na basura, problema sa Isabela

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Nakatiwangwang na basura, problema sa Isabela

Harris Julio,

ABS-CBN News

Clipboard

ISABELA - Ilang buwan nang nakatambak ang mga basura sa isang controlled dump site sa Santiago City.

Tumambad sa ABS-CBN News ang nakatiwangwang na bundok ng basura sa bukana pa lamang ng dump site.

Ayon kay dump site supervisor Leo Pascua, dapat sana ay ilalagay ang mga basura sa bakanteng bahagi ng dumpsite para mapantay at matabunan ng lupa.

Pero sabay-sabay anyang nasira ang pitong bulldozer na ginagamit para itulak ang basura.

ADVERTISEMENT

Tiniyak naman ni Mario De Guzman, officer-in-charge ng City Environment and Natural Resources Office (CENRO), na bumibili na sila ng mga bagong dump truck.

Bumubuo na rin anya ang CENRO ng plano para masinop nang maayos ang mga basura at naghuhukay na rin nang mapaglilipatan ng mga ito.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.