Sekyu na nagpaputok ng baril sa Bagong Taon, arestado

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Sekyu na nagpaputok ng baril sa Bagong Taon, arestado

Isay Reyes,

ABS-CBN News

 | 

Updated Jun 20, 2019 03:38 PM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Isang security guard ang naaresto matapos na magpaputok ng kanyang baril bilang pagsalubong sa Bagong Taon sa Barangay Batasan Hills sa Quezon City.

Naaresto si Leonard Cantil nitong Lunes.

“Nadala lang po ako. Napasabay po ako ng putok nung salubong. Alam ko naman po na mali. Nakainom po ako ng konti,” sabi ni Cantil.

Marami umanong basyo ng bala ang nakuha ng awtoridad sa lugar kung saan nagpaputok ng baril ang suspek.

ADVERTISEMENT

Depensa niya, sa lupa naman daw siya bumaril at hindi intensyong makatama ng sinuman.

“Sabi ng mga nakakita, pataas daw niyang ipinutok yung baril niya. Pwede talagang may tinamaan sa ginawa niya though wala pa naman tayong nakukuhang report,” sabi ni SPO3 Nelson Sarmiento.

Siyam na taon nang security guard ang suspek. Kinasuhan na siya ng paglabag sa Article 155 ng Revised Penal Code o alarm and scandal through indiscriminate firing. Marami rin kasing mga residente ang nagtatakbo nang magsimula na siyang bumaril.

Di gaya noong mga nakaraang taon, hindi na nagkaroon ng direktiba ang gobyerno na lagyan ng tape ang mga baril na lisensyadong gamit sa serbisyo. Pero mahigpit na kaakibat nito ang responsibilidad ng wastong paggamit ng armas.

“Mahigpit naman pong sinasabi yan na hindi pwedeng gamitin kung saan-saan at bawal na bawal magpaputok ng baril ang sinoman…pulis, pribadong tao, o military,” dagdag ni Sarmiento.

ADVERTISEMENT

Sasailalim sa ballistic examination ang mga bala at iko-cross examine ito sa mga reklamong matatanggap ng mga pulis.

Samantala, isang basyo ng bala naman ang natagpuan ng isang pamilya sa loob ng kanilang bahay sa Barangay Holy Spirit bago maghatinggabi noong Disyembre 31. Nakita rin nila ang butas sa kanilang bubong at laking pasalamat na walang natamaan sa kanila.

Isusumite naman sa crime lab ang basyo para sa imbestigasyon.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.