2 sugatan sa pamamaril ng pulis sa Cavite

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

2 sugatan sa pamamaril ng pulis sa Cavite

ABS-CBN News

 | 

Updated Jan 02, 2020 09:08 PM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

(UPDATE) Sugatan ang 2 lalaki sa pamamaril ng isang pulis na nakaalitan ng isa sa kanila sa Imus, Cavite noong Martes.

Kinilala ang suspek bilang si Staff Sergeant Rolando Luzana, na kapitbahay ng isa sa mga biktima na si Mark Jason Rael.

Ayon sa 22 anyos na si Rael, kasama niya ang kaniyang mga kaibigan noong bisperas ng Bagong Taon na nakasakay sa hiram na tricycle at nagpapaikot-ikot sa kanilang subdivision sa Barangay Pag-asa II.

Sinita umano ni Luzana ang magkakaibigan at kinumpiska ang tricycle.

ADVERTISEMENT

Nang puntahan ni Rael si Luzana sa bahay para kunin ang tricycle, nagkaroon ng komosyon sa pagitan ng dalawa.

Nagbuno umano dahil sa baril sina Rael at Luzano, at tinamaan ng bala sa kamay si Rael.

Tinamaan din ng bala sa hita ang isang 18 anyos na lalaking nakatambay sa paligid.

Pero ayon kay Luzana, tinangka siyang kuyugin ng barkada ni Rael kaya napilitan siyang ipagtanggol ang sarili.

Ayon kay Police Lt. Col. Vicente Amante, hepe ng Imus police, hindi dapat bumunot ng baril si Luzano kahit pa tinangka siyang kuyugin ng magbabarkada.

Nahaharap sa kasong homicide at kasong administratibo si Luzana.

-- Ulat ni Jerome Lantin, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.