Batang nalunod sa dagat, patuloy na pinaghahanap
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Batang nalunod sa dagat, patuloy na pinaghahanap
Rex Ruta,
ABS-CBN News
Published Jan 03, 2019 10:50 AM PHT

PUERTO PRINCESA CITY – Patuloy na pinaghahanap ang 11-taong gulang na batang babaeng nalunod sa City Beach sa Sitio Tagbarungis sa Barangay Inagawan, Miyerkoles ng umaga.

Ayon sa ulat, nalunod si Trisha Escalera matapos na lumangoy sa dagat kasama ang 2 kapatid at 2 kaibigan.

Nakaligtas naman ang 4 matapos na masagip ng kanilang mga kasama. Tinangka naman ng ama ni Trisha na sagipin siya pero nabigo ito nang tangayin ang bata ng alon.

Sa kuwento ni Aisy Cugait, nagkakasiyahan umano sila at hindi namalayan na lumalalim na ang tubig sa dagat.
Sa kuwento ni Aisy Cugait, nagkakasiyahan umano sila at hindi namalayan na lumalalim na ang tubig sa dagat.
ADVERTISEMENT
“Tapos nung tinawag na po kami ng tatay nung kasama namin bigla na lang naramdaman namin na lumayo po kami bigla tapos doon na po kami nag-panic lahat,” sabi ni Cugait.

Tumulong na sa paghahanap ang barangay tanod na binaybay ang buong dalampasigan.

Nagkabit na rin sila ng lambat at may bangkang nagpaikut-ikot malapit sa beach na nagbabakasakali na makita ang bata.

Aminado sila na mahirap ang pag-rescue dahil sa lakas ng hampas ng alon.

“Pinipilit po namin suyurin ang mga pampang na ‘yan baka sakaling makuha. Yung buhangin diyan hindi po pare-parehas, may kanal-kanal po kaya mahirap sa mga nagri-rescue,” sabi ni Barangay Tanod Chris Villarin.

Hinahanap ang bata ng mga awtoridad gamit ang isang speedboat.

Paliwanag ni Ens. Allison Tindog, tagapagsalita ng PCG-Palawan na parang washing machine ang ikot ng tubig sa ilalim ng dagat base sa kuwento ng mga diver.

"Yung current napakalakas daw po. Magkahawak-kamay na po ang divers natin itinataboy po sila ng current na malakas na malakas," sabi ni Tindog.