ICYMI: Pagtalikod sa fossil fuel, tinalakay sa COP28

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

ICYMI: Pagtalikod sa fossil fuel, tinalakay sa COP28

Benjamin Cañamaso | TFC News UAE

 | 

Updated Jan 16, 2024 12:57 AM PHT

Clipboard

DUBAI - Bago matapos ang 2023, nagsama-sama sa Dubai, UAE ang mga kinatawan ng halos dalawang daang bansa at humigit kumulang na 80,000 climate advocates at guest para sa COP 28 o Conference of the Parties 28.

Ito ang 197 na bansang nagsanib-pwersa para sa United Nations Framework Convention on Climate Change noong 1992.

Mula noong November 30 hanggang December 12, 2023, sumentro ang mga pag-uusap sa “transitioning away from fossil fuels” road map na kauna-unahan para sa UN climate conference.

Bagamat renewable energy ang kanilang isinusulong, wala namang nagpumilit na i-phaseout na agad ang oil, coal at gas.

ADVERTISEMENT

“To those who opposed a clear reference to a phaseout of fossil fuels in the COP28 text, I want to say that a fossil fuel phaseout is inevitable whether they like it or not. Let’s hope it doesn’t come too late,”sabi ni UN Secretary-General Antonio Guterres.

Ayon kay Guterres kailangang limitahan ang global heating sa 1.5°C, na target ng Paris Agreement noong 2015. Ito’y imposible daw mangyari kung hindi ipi-phase out ang lahat ng fossil fuels.

Napagkasunduan sa COP28, na i-triple ang renewable energy capacity at doblehin ang energy efficiency ng mga bansa bago ang taong 2030.

MGA NAPAGKASUNDUAN SA COP 28

Ilan sa mga napagkasunduan sa COP28 ay ‘loss and damage fund’ na dinesenyo upang masuportahan ang climate-vulnerable developing countries.

Pangalawa, popondohan ng $3.5 billion ang Green Climate Fund na layong tulungan ang mga mahihirap na bansa na mag-transition sa clean energy.

ADVERTISEMENT

Pangatlo, magbibigay din ng pondong $150 milyon para sa Least Developed Countries Fund (LDC) and Special Climate Change Fund (SCCF).

Pang-apat, tatatas ng $9 bilyon ang pondong ibibigay ng World Bank para sa climate change projects ngayong taon at 2025.

Halos 120 bansa naman ang sumuporta sa COP28 UAE Climate and Health Declaration para sa malabanan ang mga health rish na dulot ng climate change lalo na sa mga mahihirap na bansa.

Mahigit 130 bansa naman ang pumirma sa COP28 UAE Declaration on Agriculture, Food, and Climateupang masigurado ang food security habang nilalabanan ang climate change. Inidorso rin ng 66 bansa ang Global Cooling Pledge upang mabawasan ang climate change gas emissions ng 68% sa mga susunod na taon.

Ang 2023 climate summit ay ang ika-28 edisyon ng taunang COP summit kaya ito’y tinaguriang COP28. Ito ang pinamakamalaking UN climate summit na binuo para mapag-usapan at makahanap ng mga solusyon sa lumalang epekto ng climate change.

ADVERTISEMENT

PARTISIPASYON NG PILIPINAS

Ang kahandaan sa anumang sakuna dahil sa lumalalang climate change, ang naging mensahe ng Pilipinas sa climate summit. Ito’y sa pamamagitan ng data governance gamit ang makabagong teknolohiya.

Ipinaliwanag ni DOST Secretary Dr. Renato Solidum, Jr. na kung masusuri ang galaw ng mga natural disasters gaya ng mga bagyo, lindol, pagsabog ng bulkan at epekto ng global warming, mapapag-aaralan at masusukat ang pinsalang maaring maidulot nito.

“Kung ano ang magiging epekto nito sa Pilipinas, base na sa kalidad ng mga nakatayong bahay, kahandaan ng mga tao. Puwede tayong mag-project sa kung ilang ang maapektuhan, mamamatay, masisira ang ari-arian. Ang tawag diyan ay disaster imagination. Kung makita natin ‘yan pwede na tayong maghanda,” sabi ni Solidum.

Ang Pilipinas ay isa sa pinaka-apektado ng global warming. Taon-taon umaabot sa dalawampung bagyo ang humahagupit sa bansa.

“I’m very glad na na-air-out natin ang ating mga interes at gustong isulong sa global issue na ito at the same time we can tell the world na isa tayo sa mga pinaka-vulnerable sa climate change. Hindi man tayo polluter pero tayo ang napipinsala,” sabi ni Amb. Alfoso Ver, Philippine Ambassador to the UAE.

ADVERTISEMENT

Kaya malaking tulong ang mga pledges na tulong pinansyal mula sa mga mayayamang bansa sa pagsisimula pa lang ng COP28.

“Sinabi na magkakaroon ng ‘loss and damage fund’, ang ibig sabihin, ang mga bansa na developed na ngayon, na gumamit ng fossil fuel at sila’y na-develop at sila talaga ang sanhi kung bakit tumaas lalo ang init sa buong mundo ay magbibigay ng pera para sa mga bansang naapektuhan,” paliwanag ni Solidum.

Higit sa 83 bilyong dolyar ang pledge ng mga mayayamang bansa para sa loss and damage fund.

Habang 270 bilyong dolyar naman ang ipinangako ng mga banko ng host country na UAE para sa renewable energy at sa pagsasaka.

Diin din ni Solidum na bukod sa tulong mula sa ibang mga bansa, may magagawa rin ang bawat mamamayan.

ADVERTISEMENT

“Meron tayong ganitong programa na “Victors, are not Victims”, meron na tayong advance technology na hindi na tayong tulungan pa dun pero para sa ibang bagay para mapaigi pa natin ang kahandaan ng LGUs dun tayo hihingi ng tulong,” dagdag ni Solidum.

Ang tunay na hamon ngayon ay kung maisasakatuparan ang lahat na ipinangakong tulong sa paglutas ng climate crisis.

Para sa mga nagbabagang mga balita tungkol sa ating mga kababayan sa Gitnang Silangan, Europa at Africa, tumutok sa TFC News sa TV Patrol.

KAUGNAY NA VIDEO:

Watch more News on iWantTFC

Read More:

TFC News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.