Publiko pinag-iingat sa bagong virus galing China
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Publiko pinag-iingat sa bagong virus galing China
ABS-CBN News
Published Jan 06, 2020 07:44 PM PHT
|
Updated Jan 06, 2020 08:06 PM PHT

Kahit wala pang naiulat na kaso sa Pilipinas, pinag-iingat ng Department of Health ang publiko sa isang klase ng virus na sanhi ng pulmonya, na nagmula sa Wuhan, China.

Ayon kay Health Secretary Eric Domingo, binabantayan ng ahensiya ang posibleng pagpasok sa bansa ng sakit, na hindi pa natutukoy kung anong klaseng virus.

"When it was tested, it doesn't test positive for the common viruses that we have for flu, not for SARS and not for bird flu," ani Domingo.

"We don't know how it will behave. It's very new, that's why we're very wary," dagdag niya.
"We don't know how it will behave. It's very new, that's why we're very wary," dagdag niya.
ADVERTISEMENT
Nasa 44 tao mula sa lungsod ng Wuhan sa lalawigan ng Hubei, China ang nagkasakit ng pulmonya noong Disyembre 31, kabilang ang 11 na-diagnose na may severe pneumonia.

Wala pang naiuulat na namatay sa mga pasyente pero nagbabala ang mga awtoridad ng China dahil sa bilis ng pagkalat ng sakit.

Ayon kay Domingo, iniimbestigahan ang isang palengke sa Wuhan na nagtitinda ng isda at iba pang live animals, kung saan umano nagtatrabaho o dumadaan ang mga taong nagkasakit ng pulmonya.

May naiulat na ring higit 4 katao sa Hong Kong ang nagkapulmonya matapos manggaling sa Wuhan City.

"There's no case yet of human-to-human transmission, baka directly nakuha from the source 'yong infection," ani Domingo.

Ilan sa mga sintomas ng pulmonya na nagmula sa Wuhan ay lagnat, trangkaso, at upper respiratory tract infection.

Ipinayo ng DOH na puwedeng mag-flu vaccine, maging malinis sa katawan, iwasan ang matataong lugar, at laging maghugas ng kamay gamit ang tubig at sabon para maiwasang magkasakit.

MGA BIYAHERONG GALING CHINA MASUSING SINI-SCREEN
Bunsod din ng hindi pa natutukoy na virus, mahigpit nang binabantayan ng Bureau of Quarantine (BOQ) ang mga pasaherong dumadating mula China.

Kapag may na-monitor na may temperaturang 38 degrees celsius pataas at tumunog ang thermal scanner, kailangang sumama ang pasahero sa taga-BOQ para sa isang medical check-up.

Kapag nagpositibo sa lahat ng sintomas, ipadadala ang pasahero sa San Lazaro Hospital o Research Institute for Tropical Medicine.

Bukod sa sakit mula Tsina, tinututukan din ng BOQ ang ibang sakit tulad ng Middle East respiratory syndrome coronavirus (MERS-CoV).-- Ulat nina Apples Jalandoni at Jacque Manabat, ABS-CBN NEws

Read More:
PatrolPH
Tagalog news
balita
kalusugan
pneumonia
China
China pneumonia
Department of Health
Bureau of Quarantine
TV Patrol
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT