TESDA, hinikayat ang publiko na mag-enroll sa libreng COVID management courses

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

TESDA, hinikayat ang publiko na mag-enroll sa libreng COVID management courses

ABS-CBN News

Clipboard

MAYNILA - Matapos magkaroon ng COVID-19 ang buong pamilya ni Anne Fernando noong nakaraang taon, na-trauma na raw sya lalo’t naospital pa ang kanyang asawa.

Natakot umano syang maulit ang sinapit ng kanyang pamilya kaya nagsusumikap syang pag-aralang mabuti ang mga paraan para maiwasan ang COVID-19 sa kanilang bahay pati na rin sa kanilang kumpanya.

Sabi ni Fernando, mainam pa rin ang may tamang kaalaman.

“Mas maganda rin na may alam ka in terms sa symptoms para aware ka na yung mga kasama mo ba in good health pa or kailangan na ba nilang mag-seek ng medical attention," aniya.

ADVERTISEMENT

Interesado si Fernando sa online course ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) na Practicing COVID-19 Preventive Measures in the Workplace lalo’t mapapakinabangan daw niya ito sa kanilang construction business.

“I’m a mom, dapat pag-uwi ko alam ko na hindi ako makakahawa sa mga anak ko though siempre praticing yung mga protocols na maliligo ka pag-uwi mo ganyan,pero iba pa rin yung may nakita ka na na symptoms, medyo alam mo na," paliwanag ni Fernando.

Ayon kay TESDA Deputy Director General Lina Sarmiento, applicable sa bahay ang lahat ng kursong inaalok nila lalo na ang mga may kinalaman sa COVID-19 management.

“How to protect others from being infected if you are infected. How to prevent yourself from being infected also if you come into a close contact with a COVID positive patient. So malaki ang maitulong nito para sa kaalaman ng ating mga kababayan kasi minsan nagiging kampante tayo," sabi ni Sarmiento.

Mahalaga din daw kasi ang tamang kaalaman kung paano mapoprotektahan ang sarili at ibang tao lalo na’t mabilis kumalat ngayon ang pinakabagong variant ng COVID-19, ang omicron.

ADVERTISEMENT

Mayroon ding kurso ang TESDA patungkol sa online teaching and learning, tamang pagsusuot at paghubad ng PPE at contact tracing course.

Itinuturo raw dito ang tamang paraan ng pakikipag-usap sa mga COVID-19 positive patients at mga taong na-expose sa mga ito.

Sabi pa ni Sarmiento, ang mga nagtuturo ay mga eksperto sa kanilang field.

“The substance, ano yung mga kailangan matutunan nangggaling yun sa mga experts na pinakiusapan natin. So in this case, lahat ng health related courses natin we rely on the Department of Health experts for us to develop the curriculum," aniya.

IBA PANG KURSO

Bukod sa COVID-19 management courses, tuloy-tuloy pa rin ang ibang kurso at training sa buong bansa depende sa alert level ng lugar.

ADVERTISEMENT

May mga kurso kasi na kailangan ng aktwal na demonstration na kadalasan ay sa mga open venues lang ginagawa at limitado ang kapasidad.

Mula umano nang magkapandemya, ang pinakapatok na kurso ay ang baking. Maari kasi itong gawing negosyo.

PANOORIN

Watch more in iWantv or TFC.tv

Sumunod ang may kinalaman sa construction, agriculture at information technology, ayon sa TESDA.

Samantala, hinihikayat din ng ahensya ang mga naka-quarantine o naka-isolate na mag-enroll sa libreng kurso.

May allowance raw ito na P160 kada araw at data allowance na 500 kada buwan.

ADVERTISEMENT

Dagdag pa ni Sarmiento, para sa mga overseas Filipino workers (OFW) na nawalan ng trabaho, may pag-asa ng kumita kung tityagain lang ang kurso.

“Mayroon kaming TESDA app and then there’s a button there para sa OFW which is to make enrollment or whatever they need. This is for them to easily access TESDA," sabi ng opisyal.

Sa kanilang pinakahuling tala, nasa 3 milyon na ang kumuha ng kurso sa TESDA at nasa 72,000 dito ay mga OFW.

Sabi ng TESDA, tignan lang daw sa kanilang website ang listahan ng mahigit 100 kurso na gustong pasukan para mapakinabangan.

— Ulat ni Wheng Hidalgo, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.