Filcom leaders nagsasanay na para sa Overseas Voters Registration
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Filcom leaders nagsasanay na para sa Overseas Voters Registration
Sandra Sotelo Aboy | TFC News Spain
Published Jan 12, 2024 09:37 PM PHT

BARCELONA - Gagamitin na ang internet o online voting sa ilang piling bansa sa labas ng Pilipinas sa 2025 elections.

Dala ni COMELEC Commissioner Atty. Marlon Casquejo and balitang ito at ang plano sa mga lider ng Filipino community sa ginanap na pagsasanay para sa overseas voting at registration sa Barcelona kamakailan.

Ito raw ang unang pagkakataon na inanunsyo sa overseas voters ang plano ng COMELEC na unang internet voting sa Philippine elections sa abroad.

Sabi ni Casqueco:"So the next step here is, kapag natapos na yung aming procurement na magpo-provide ng internet voting yung OVCS na tinatawag namin, magkakaroon kami ng another training for our overseas voters on how to use internet voting, kasi bago ito sa kanila baka maging hadlang pa ito kung paano bumoto."

Isinagawa ang isang araw na Training for Filipino Community Leaders (TFCL) sa pangunguna ng Department of Foreign Affairs Overseas Voting Secretariat (DFA-OVS) at ang COMELEC, kasama ang Foreign Service Institute (FSI), katuwang ang Philippine Consulate.

Layunin ng pagsasanay na bigyan ng sapat na kaalaman ang Filcom leaders para maging katuwang sa pagbabahagi ng mga bagong patakaran at sistema sa pag-rehistro ng mga botante o tinatawag na “pre-enrolment.”

Ayon kay Casquejo, ang proseso ng pre-enrolment ay magiging mas maayos at mas mabilis dahil sa pinaplanong internet voting.

"Itong pre-enrolment kasi, hindi na kailangan ng participation ng DFA or any other person. Kapag ikaw ay may alam, techie medyo, then you know how to use the internet, ikaw na mismo. Kumbaga, tinatawag na self-pre-enrolment. So hindi na kailangan na pumunta sa embassy o pupunta sa isang lugar o sa Consul para mag pre-enrollment," dagdag pa niya.

Dinaluhan ang kauna-unahang TFCL ng higit sa 50 Filcom leaders mula sa Barcelona at iba pang rehiyon na nasasakupan ng konsulado.

Ipinaliwanag din sa pagtitipon ang status ng OV registration, developments at iba pang relevant measures patungkol sa internet voting system.

Sa open forum, isinawalat ng Filcom leaders ang kanilang mga tanong gayudin ang kanilang mga alalahanin tungkol sa transparency at pag-aalaga sa kanilang mga boto.

Sabi ni Giselle Perez, Filcom Leader sa Barcelona: "Dito sa Europe with internet or online voting, sana ipakita nila na 100% yung transparency and then the outcome is like 100% reliable para mas lalong ma-encourage yung other area or other country or other continent na makumbinsi na mag-register din sa online voting."

Dagdag naman ni Marissa Ordanes, Filcom leader sa Palma de Mallorca: "Medyo makakatulong dahil nahihirapan sila sa pagpapa-register pero may problema para sa mga matatanda dahil online internet voting sa pagpaparehistro, kailangan bigyan sila ng maraming explanation paano gawin."

Ibinahagi din ni Consul General Ma. Theresa Lazaro ang kanilang mga karanasan noong nakaraang halalan para mabigyan ng solusyon at mapabuti pa ang susunod na mga overseas voting.

"Very happy ako sa response, especially nakita mo naman sa workshop very engrossed sila they actively participated they actively asked questions during the open forum and very optimistic ako na mare-resolve natin whatever issues that were raised by them kasi babalik naman sina Commissioner, he promised they will be back next year," sabi ni Lazaro.

Aminado si DFA-OVS Vice Chairman Robert Quintin na malaking tulong ang ganitong palitan ng karanasan, mungkahi at opinyon.

"Ang mahalaga sa amin dito ay makita rin namin yung mga partikular na problema na kinakaharap, challenges na kinakaharap ng mga overseas voters, dito rin partikular sa Barcelona para maging basehan ng aming paggawa ng policies o operating procedures para maging mas maayos ang ating pag-conduct ng overseas voting at yung ating registration process." sabi ni Quintin.

Kasama rin sa training ang “financial literacy” at workshop on “effective communications and content promotion using social media platforms.”

Ang training ay bahagi ng mas malawakang kampanya para sa overseas voters registration na magpapatuloy hanggang Setyembre 30, 2024.

Layunin ng pagsasanay na mapataas hindi lang ang bilang ng registered voters kundi pati na rin ang bilang ng mga boboto sa midterm elections.

Para sa mga nagbabagang mga balita tungkol sa ating mga kababayan sa Spain, tumutok sa TFC News sa TV Patrol.
Read More:
TFC News
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT