‘Wait lang, ikakasal lang si Ma’am’: Tugon ng guro sa estudyante, nag-viral | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
‘Wait lang, ikakasal lang si Ma’am’: Tugon ng guro sa estudyante, nag-viral
ABS-CBN News
Published Jan 14, 2021 06:49 PM PHT

MAYNILA - Umani ng good vibes sa social media ang ibinahaging screenshot ng isang guro mula sa Antipolo City sa kaniyang estudyanteng problemado sa requirements sa klase nitong nakaraang Biyernes.

Nagkataon kasi na ikakasal si Teacher Irish Bautista nang mabasa ang mensahe ng estudyante.

“Nag-send siya ng message habang inaayusan po ako. Pero nabasa ko lang nung nasa bridal car na po,” ayon kay Bautista.

Si Bautista ay junior high school teacher. Guro din ang kaniyang napangasawang si Jan.
Sa panayam sa TeleRadyo, Huwebes ng umaga, sinabi ni Bautista na naka-leave siya noong Biyernes na siya namang deadline ng requirements sa kaniyang klase.

Sinagot ni Bautista ang kanyang estudyante na may kalakip na larawan niyang naka-wedding gown. "(Wait) lang Larah.. ikakasal lang si (Ma'am)... replyan kita later," tugon niya.

Umani ng higit 21,000 reactions at nai-share ng 6,700 beses ang ibinihaging screenshot ni Bautista sa chat messages niya at ng estudyante, sa kaniyang Facebook page noong Enero 9.

Ayon kay Bautista, maagang nakapagpasa sa kaniya ng output ang naturang estudyante. Pero hindi na makita ang iba pa nitong output para sa ibang subjects noong Biyernes, ang araw ng deadline sa pasahan sa requirements.

Dahil dito, nag-chat sa kaniya ang estudyante sa pagbabaka-sakaling nasa kaniya ang ibang mga papel.

“Naka-leave ako nung araw na 'yun. Kaya lang po, 'yung priority po niya na makapagpasa po, 'yung kaba niyang baka bumagsak, ‘di naman kawalan doon sa maliit na oras na reply-an ko man lang siya na hindi ko binale-wala chat niya sa akin,” aniya.

Sabi ng guro na ang chat ang pangunahing paraan nila ngayon para makapag-ugnayan sa mga estudyante lalo na sa panahon ng pandemya.

Pero kahit pa kasal niya, hindi pa rin niya maialis sa isip ang problema ng estudyante niya.

“Kabado po ako habang nasa sasakyan ako. And nadagdagan kaba ko kasi baka ako 'yung nakawala ng output po niya. Medyo atrasado po luha ko,” sabi niya.

Sa huli, aral aniya sa kaniya ang tiyaking mabigyan ng pagpapahalaga ang mga tulad ng chat ng kaniyang estudyante kahit ano pa man ang okasyon.

“Maaari 'yung time na bina-value natin, tapos 'yung time na bina-value niya ay magkahalaga. Kaya 'yung maliit na oras na pwedeng ibigay—lalo na po tayong mga public servant—malaking bagay para sa mga taong naghihintay ng atensiyon natin,” sabi ng guro.

RELATED VIDEO:
Read More:
Gurong ikinasal
social media
guro
teacher
TeleRadyo
viral teacher wedding
viral post
viral social media
viral teacher
viral news
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT