Contact tracing app ng MRT magagamit na ng mga pasahero

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Contact tracing app ng MRT magagamit na ng mga pasahero

ABS-CBN News

 | 

Updated Jan 18, 2021 06:59 PM PHT

Clipboard

Ginagamit ng isang pasahero ang bagong lunsad na MRT-3 Trace, ang contact tracing application para sa mga pasahero ng MRT-3. Jervis Manahan, ABS-CBN News

MAYNILA (UPDATE) — Magagamit simula ngayong Lunes ng mga pasahero ng MRT-3 ang web application na MRT-3 Trace.

Layon ng application na mas mapabilis ang contact tracing sakaling may pasaherong mag-positibo sa COVID-19.

Kailangan lang magtungo sa trace.dotrmrt3.gov.ph para makapag-sign up. Sa nasabing website, ilalagay ang oras ng biyahe, at mga istasyon kung saan sumakay, at bumaba ang pasahero.

Puwede pa ring mag-fill out ng contact tracing form sa istasyon ang mga pasaherong walang access sa internet.

ADVERTISEMENT

Sa kabila ng bagong app, karamihan ng mga pasaherong naabutan ng ABS-CBN News nitong umaga ng Lunes sa North Avenue Station ay nagsulat pa rin sa contact tracing form.

Karamihan kasi ng mga pasahero ay hindi umano alam na kailangan pang mag-register sa website para sa app kaya pinili na lang sumagot ng form.

Ang ibang pasahero naman ay nahirapan sa app dahil sa dami ng hinihinging detalye at permiso para ma-access ang camera ng cellphone.

Watch more in iWantv or TFC.tv

Nagkaroon ng isyu sa contact tracing sa MRT nang umabot sa halos 300 ang nag-positibo sa COVID-19 sa linya noong Hulyo 2020.

Kinailangan pang isara noon nang halos isang linggo ang MRT-3 para i-disinfect ang buong railway system.

ADVERTISEMENT

Kasabay nito, inilunsad din sa Quezon City ang Kyusipass, na hiwalay na contact tracing app na gagamitin sa mga establisimyento sa lungsod.

Kailangan lang mag-sign up sa website na Safe Pass para mabigyan ng QR code na magagamit sa pagpasok sa mga opisina at establisimyento sa Quezon City.

Maaaring i-save sa cellphone ang QR code o i-print ito.

-- Ulat nina Jervis Manahan at Jacque Manabat, ABS-CBN News

RELATED VIDEO:

Watch more in iWantv or TFC.tv

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.