Pambababoy? Bikini open sa selebrasyon ng Ati-Atihan, binatikos

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Pambababoy? Bikini open sa selebrasyon ng Ati-Atihan, binatikos

ABS-CBN News

 | 

Updated Jul 12, 2019 01:35 PM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Umarangkada na ang mahigit isang linggong makukulay na aktibidad sa Kalibo, Aklan kasabay ng paggunita sa taunang Ati-Atihan Festival.

Pero imbis na matuwa, nadismaya ang Simbahang Katolika dahil sa ginawang "Mister & Miss Bikini Open," kung saan halos hubo't-hubad na ang suot ng isa sa mga kalahok.

Sa kasagsagan kasi ng contest, nag-sexy dance ang isang lalaking contestant na nakasuot lang ng g-string at may sinayawan pang babae.

Giit ng simbahan, isang religious activity ang Ati-Atihan Festival.

"'Yung ginawa na 'yun ay hindi nakakabagay sa selebrasyon ng Anak ng Diyos. Siguro if there was still decency, somebody must have stopped it," ani Fr. Joesel Quan.

ADVERTISEMENT

Naglabas din ng hinaing ang netizens sa tila pambababoy sa Pista ng Santo Niño.

Humingi na ng tawad ang alkalde ng Kalibo. Hindi raw kasi alam ng mga organizer na 'yun pala ang pagtatanghal ng contestant sa talent portion.

"Sa organizer naman, hindi naman nasiguro na ma-control 'yun. Iba-iba kasi 'yung performance. Maski 'yung ensayo, iba 'yung ensayo, pagdating sa contest iniba nung contestant," ani Mayor William Lachica.

Hindi na mahagilap ang organizer nang subukang hingan ng pahayag.

Para sa simbahan, mas maiging maging sentro ng selebrasyon ang debosyon sa Santo Niño.

Sa Sabado at Linggo na ang festival highlights ng isa sa mga pinakamatandang kapistahan sa bansa.

--Ulat ni Cherry Palma, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.