PNP suportado pagkansela ng kasunduang nagbabawal sa pulis, sundalo sa UP

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

PNP suportado pagkansela ng kasunduang nagbabawal sa pulis, sundalo sa UP

ABS-CBN News

Clipboard

MAYNILA - Suportado ng Philippine National Police (PNP) ang pagkansela ng kasunduan na nagbabawal sa mga pulis at militar sa loob ng University of the Philippines.

“Sinusuportahan po namin ang Department of National Defense sa pag-abrogate nito pong 1989 accord with the University of the Philippines. Nakita naman po nating 'yung evolution ng ating panahon at nakita nga ng DND na obsolete na po itong sinasabing agreement kaya in-abrograte na po ito,” pahayag ni Brig. Gen. Ildebrandi Usana, tagapagsalita ng PNP.

Biyernes nang kanselahin na ng Department of National Defense (DND) ang Soto-Enrile accord o ang kasunduan na nakasaad na kailangang mag-abiso muna sa UP bago makapasok at makapagsagawa ng operasyon ang pulis at militar sa mga campus ng pamantasan.

Watch more in iWantv or TFC.tv

Ayon kay Usana, base sa pagkalap nila ng ebidensiya, lumalabas aniya na may kinalaman talaga ang Communist Party of the Philippines-New People’s Army sa pagkawala umano ng mga kabataang mag-aaral ng UP. Ito rin aniya ang iniaangal ng mga magulang na hindi pa rin matagpuan ang mga anak.

ADVERTISEMENT

Tukoy naman aniya ang mga organisasyong nasa likod ng pagre-recuit sa mga estudyante.

“Ang ebidensya ng pulis nasa pangangalaga po ng CIDG (Criminal Investigation and Detection Group) at sila ang responsible para mag pursue ng mga kaso laban dito sa mga grupong ito,” sabi ni Usana sa panayam sa TeleRadyo Martes ng umaga.

Paliwanag naman ni Usana na mananatili ang academic freedom sa unibersidad kahit wala na ang Soto-Enrile accord. Makikipag-ugnayan pa rin ang PNP sa mga opisyal ng campus at hindi basta-basta papasok sa campus.

Nauna nang sinabi ni media law professor Marichu Lambino na sa ilalim ng UP Charter, dapat na igalang ng service-wide agencies katulad ng DND ang academic freedom ng pamantasan.

Ayon naman kay Usana, dapat alalahanin ang mandato ng mga pulis at militar sa ilalim ng Konstitusyon.

“Ours is to serve and protect. Mayroon din po kaming mandato na mag-enforce ng batas sa anumang lugar, sa sinumang taong maapektuhan, at itong mga bagay na ito ay naaayon sa Constitution na dapat nating isaisip,” sabi ni Usana.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.