Pulis hinuli dahil sa bintang na naglalako ng droga
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Pulis hinuli dahil sa bintang na naglalako ng droga
ABS-CBN News
Published Jan 20, 2021 07:06 PM PHT

DAET, Camarines Norte – Timbog ang isang pulis sa bayan na ito sa isinagawang operasyon ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) nitong Miyerkoles.

Ang pulis ay miyembro ng Police Mobile Force Battalion sa Camarines Norte.

Nangyari ang operasyon sa mismong bahay ng pulis sa Barangay Magang, Daet. Subject din ng search warrant ang kasamang babae ng pulis.

Sampung sachet ng hinihinalang shabu na nagkakahalagang P340,000 ang narekober sa operasyon.
Sampung sachet ng hinihinalang shabu na nagkakahalagang P340,000 ang narekober sa operasyon.
ADVERTISEMENT
Ayon kay Cotton Yuson, tagapagsalita ng PDEA-Bicol, nagsagawa sila ng case build-up at surveillance laban sa dalawa dahil sa mga sumbong ng pagbebenta ng mga ito ng ilegal na droga.

Inihahanda na ang kasong isasampa laban sa dalawa.

–Mula sa ulat ni Karren Canon
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT