Mga bilyonaryo nakabawi na sa pandemya, mga mahihirap lugmok pa rin: NGO

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Mga bilyonaryo nakabawi na sa pandemya, mga mahihirap lugmok pa rin: NGO

ABS-CBN News

 | 

Updated Jan 25, 2021 11:56 PM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

MAYNILA – Natigil sa trabaho ang 2 anak ni Rosalinda del Rosario pati na ang negosyo nyang pisonet nang pumutok ang pandemya.

Ang ipon nila, ubos agad sa unang buwan pa lang ng lockdown. Patong-patong ngayon ang utang nila sa tubig at kuryente kaya ang walong miyembro ng pamilya, hati-hati sa pritong isda at sabaw nitong Lunes ng tanghali.

"Sanay ka na kakain kayo tatlong beses isang araw... Mula nang magpandemya siyempre, mga ayu-ayuda lang sa barangay... Mahirap na kami noon, mas mahirap pa kami ngayon," ani Del Rosario.

Sa report ng international NGO na Oxfam, lumabas na lalo pang lumaki ang agwat sa pagitan ng mayayaman at mahihirap nitong magpandemya.

ADVERTISEMENT

Ang top 1,000 billionaires ng mundo noon pang Nobyembre nakarekober habang ang mahihirap, isang dekada pa bago makabangon.

Pero kung sosolusyonan na ang problema ngayon, bababa ito sa tatlong taon.

Ilan sa rekomendasyon ng Oxfam ang paniningil ng mas malaking tax sa pinakamayayaman, patas na access sa healthcare, edukasyon at public service.

"The virus has shown us that guaranteed income security is essential, and that a permanent exit from poverty is possible. For this to happen we need not just living wages, but also far greater job security, with labor rights, sick pay, paid parental leave and unemployment benefits if people lose their jobs," anang Oxfam.

Sa datos ng National Wages and Productivity Board ng DOLE, P434 na lang ang tunay na halaga ng P537 minimum wage sa NCR.

ADVERTISEMENT

Kinondena naman ito ng Ibon Foundation.

"This is the lowest real wage in over 8 1/2 years or 103 months. Ibon noted that the current minimum wage is even further away from meeting the basic needs of workers’ families."

Tingin ng Ibon, kailangan ng P10,000 buwanang cash subsidy at price control sa mga bilihin.

"The most urgent measure are new cash subsidies of P10,000 monthly for at least 2 to 3 months especially while record unemployment and falling household incomes are not resolved. Price controls are also needed on the food items whose prices are soaring," anila.


–Ulat ni Zen Hernandez, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.