Pagluwag ng age restrictions sa MGCQ areas binawi ni Duterte dahil sa UK variant | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Pagluwag ng age restrictions sa MGCQ areas binawi ni Duterte dahil sa UK variant

ABS-CBN News
Published Jan 26, 2021 03:03 PM PHT

MAYNILA - Binawi ni Pangulong Rodrigo Duterte ang utos na puwede nang lumabas sa bahay ang mga batang edad 10 hanggang 14 na magsisimula sana sa Pebrero, 1 dahil sa pagdami ng kaso ng UK coronavirus disease (COVID-19) variant sa bansa.

Noong Biyernes ay pinayagan ng pandemic task force ng bansa ang paglabas ng mga edad 10 pataas sa mga lugar na naka-MGCQ, ang pinakamaluwag sa 4 quarantine levels na inilatag ng gobyerno para sa pandemic response - para sana makabangon ang ekonomiyang pinadapa ng pandemya.

Paniwala kasi ng ilang financial expert na mas dadami ang mga lalabas at mamimili kung papayagan ang mga bata na gumala.

Pero ayon kay Duterte, sa ngayon ay mas mainam munang manatili sa bahay ang mga kabataan.
Pero ayon kay Duterte, sa ngayon ay mas mainam munang manatili sa bahay ang mga kabataan.
ADVERTISEMENT
"Pasensya na po kayo. Mine is just a precaution ... Takot lang ako kasi itong bagong strain strikes the young children," ani Duterte sa isang televised address gabi ng Lunes.

Ibig sabihin, dapat mga nasa edad 15 hanggang 65 lang ang pinapayagang lumabas sa bahay habang may COVID-19 pandemic.

Aabot sa 10 lugar ang naka-mas mahigpit na GCQ, habang ang nalalabing parte ng bansa, maliban sa Tuguegarao na naka-enhanced community quarantine - ay naka-MGCQ.

Tinutulan ng ilang eksperto maging ng ilang local official ang pagluwag sa age restriction dahil sa pangambang magiging "super-spreader" ang mga bata ng COVID-19, lalo na kapag may mga kasama ito sa bahay na may edad na.

Sa ngayon, may 17 kaso ng COVID-19 variant na nagmula sa United Kingdom. Dose rito ay galing sa Bontoc, Benguet; 2 ay mga OFW na umuwi mula Lebanon; 1 sa La Trinidad, Benguet; 1 sa Laguna; habang ang kauna-unahang naiulat na kaso ay taga-Quezon City na bumiyahe sa Dubai.

Bagay na ikinabahala ni Duterte ang situwasyon sa Cordillera, pero tiwala siyang matutugunan ito ng mga health worker.

Aminado rin si Duterte na patuloy na tumataas ang kaso ng COVID-19 sa bansa, at inaalam pa kung ito ay maituturing na late reaction ng mga pagtitipon-tipon o kung dahil ba ito sa pagdami ng mga lumalabas dahil sa pagbubukas ng ekonomiya.

Pero giit niya, hindi naman puwedeng pigilang maghanap-buhay ang mga Pilipino kahit pandemya.

"So we continue to pray. Kami dito kasi it’s still rising. Umabot na ng more than 500,000 ang tinamaan. I hope it would not reach millions because then we would be in serious trouble," ani Duterte.

Read More:
PatrolPH
Tagalog News
MGCQ
Teleradyo
Duterte
COVID-19 variant
minors
menor de edad
Rodrigo Duterte
age restriction MGCQ area
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT