2 miyembro ng Ativan gang, arestado
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
2 miyembro ng Ativan gang, arestado
Jervis Manahan,
ABS-CBN News
Published Jan 31, 2018 05:46 AM PHT

Arestado Martes ng gabi ang 2 miyembro umano ng Ativan gang matapos nilang nakawan ang isang Amerikano.

Kinilala ang mga hinuli na sina Merlinda Mercado at Casey Cortez.

Ayon sa pulisya, ang modus ng mga suspek ay kakaibiganin ang mga bibiktimahin na foreigner.

Makikipag-inuman umano sila at hahaluhan ang inumin ng Ativan, isang uri ng gamot.
Makikipag-inuman umano sila at hahaluhan ang inumin ng Ativan, isang uri ng gamot.
ADVERTISEMENT
Makakatulog umano ang biktima dahil sa gamot at saka nanakawin ang gamit.

Nakilala umano ng mga babae ang kanilang biktima noong isang linggo sa likod ng isang hotel.

"Dinala nila sa isang restobar sa Pasay. Tapos doon na hinaluhan ng Ativan ang inumin," ayon kay Chief Insp. Rommel Salazar ng Manila Police District Station 2.

Nahuli ang mga suspek matapos magreklamo ang biktima. Gamit ang GPS ng kaniyang cellphone, na-trace ang mga umano'y magnanakaw.

Narekober mula sa mga suspek ang isang cellphone at P13,000.

"Hindi kami 'yun. Tumigil na kami," depensa ni Mercado nang kunan ng pahayag.