Babaeng naliligo sa ilog, nalunod sa Quezon; Pulis na sumagip, nalunod din

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Babaeng naliligo sa ilog, nalunod sa Quezon; Pulis na sumagip, nalunod din

ABS-CBN News

Clipboard

QUEZON - Binigyang pugay ng pulisya ang ginawa ni Police Corporal Ruel Agnes matapos nitong subukang sagipin ang isang babaeng nalulunod sa Maling River sa bayan ng Atimonan sa probinsya na ito.

Ayon sa pulisya ng Atimonan, nagpapatrolya lamang si Agnes noong Enero 26 nang makatanggap ng impormasyon ukol sa insidente ng pagkalunod sa ilog.

Dagdag ng pulisya, hindi nag-alinlangan na tumalon sa ilog ang pulis para sagipin ang 25 taong gulang na si Mary Jean Binaday Mata na nalulunod sa kasagsagan ng pag-ulan.

Kasama ni Mary Jean ang kanyang mga kaibigan nang mangyari ang insidente.

ADVERTISEMENT

"Sa kasamaang palad ay parehas silang inanod dahil sa malakas na bugso ng tubig sa ilog," ayon sa pahayag ng Atimonan police.

Agad namang ikinasa ang search and rescue operations ng Philippine National Police, Atimonan Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), at ng iba pang law enforcement unit.

Umabot ng 2 araw bago matagpuan ang bangkay ni Mata at ng pulis na si PCpl. Agnes.

"Ang naging challenge kasi is yung tides, yung low tide, high tide kasi may oras diba. Kasi yung site ng operation, yung bangka, minsan hindi kayang pumunta doon sa ilog kasi low tide, at saka kasi katatapos lang ng ulan noon, so yung agos niya medyo malakas pa," ayon kay Bryan Raymundo ng MDRRMO Atimonan.

Watch more in iWantv or TFC.tv

Ilang metro lang din ang layo mula sa pinangyarihan natagpuan ang mga bangkay dahil hindi agad ito lumitaw mula sa malalim na bahagi ng ilog.

ADVERTISEMENT

"Yung tides doon is umiikot din talaga. Kaya ang ginawa ng team is sinubsob nila yung buong ilog, baka kasi mas may chance na doon matagpuan sa mas malayong lugar o sa mas malapit," ani Raymundo.

Payo naman ng MDRRMO na kung maaari, iwasan maligo sa ilog lalo na sa hapon o gabi kapag malakas ang ulan o malakas ang agos nito.

Bayani naman na itinuring ng pulisya si Agnes na nagbuwis ng kanyang buhay sa posibilidad na makaligtas din ng ibang buhay.

-- Hernel Tocmo

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.