Bureau of Immigration naghahanda na sa muling pagdating ng mga turista
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Bureau of Immigration naghahanda na sa muling pagdating ng mga turista
Anna Cerezo,
ABS-CBN News
Published Feb 02, 2022 06:34 AM PHT

MAYNILA—Naghahanda na ang Bureau of Immigration sa pagdagsa ng mga paparating na dayuhan kasunod ng desisyon ng gobyerno na muling buksan ang bansa sa turista simula Pebrero 10.

Sa ilalim ng pinakahuling resolusyon na inilabas ng Inter-Agency Task Force, ang mga nabakunahang dayuhang biyahero na nagmumula sa mga bansang nasa ilalim ng Executive Order 408 ay muling pinapayagang makapasok sa Pilipinas nang walang visa sa loob ng tatlumpung araw.

Kasabay ng anunsyo ang magandang balita na marami sa mga tauhan ng Bureau of Immigration na nahawaan ng COVID-19 ang gumagaling na.

Ayon kay BI Commissioner Jaime Morente, nitong Lunes, 401 sa kanilang personnel na nagpositibo sa virus o naka-quarantine ay nakabalik na sa trabaho.

Karamihan sa mga ito ay nakatalaga sa Ninoy Aquino International Airport.

Dagdag naman ni Atty. Carlos Capulong, BI port operations chief, base sa datos nuong Enero 31, 23 immigration officers na lamang na nakatalaga sa mga paliparan ang nagpapagaling pa mula sa COVID-19.

Sinabi ni Capulong na 14 sa mga tauhan na ito ay nakatalaga sa NAIA, 4 sa Clark airport, 2 sa Mactan, 2 sa Kalibo, at 1 sa Davao.

Pero dahil inaasahan nila ang biglaan o hindi pangkaraniwang pagtaas ng dami ng pasahero, ipinaliwanag ni Capulong na pansamantala silang kumuha rin ng mga tauhan mula sa iba’t ibang opisina ng BI upang tumulong sa mga frontliner kung kailanganin man.

Sinabi ni Acting Presidential Spokesman at Cabinet Secretary Karlo Nograles na ang mga fully vaccinated na dayuhan ay maaaring pumasok sa Pilipinas para sa turismo o negosyo.

Ang mga ito ay hindi na kailangang dumaan sa mandatory quarantine at kailangan lamang magpakita ng negatibong RT-PCR test na isinagawa sa loob ng 48 oras bago sila lumuwas.

Para sa karagdagang impormasyon, maaaring bisitahin ang website o Facebook page ng Bureau of Immigration.