Magsasaka tiklo nang mahulihan ng baril, marijuana sa checkpoint

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Magsasaka tiklo nang mahulihan ng baril, marijuana sa checkpoint

ABS-CBN News

Clipboard

PASUQUIN, Ilocos Norte – Arestado ang isang magsasaka sa isang checkpoint ng mga pulis sa Barangay Naglicuan, Pasuquin, Ilocos Norte noong Biyernes.

Nakuha sa magsasakang si alyas "Dante" ang isang kalibre .38 na baril, anim na bala, at dalawang sachet ng marijuana.

"May natanggap kaming impormasyon na may dala itong baril kaya agad kaming nagsagawa ng checkpoint," ayon kay Chief Inspector Marlon Padamada.

Mariin namang itinanggi ng suspek na kaniya ang mga nakuhang baril at droga.

ADVERTISEMENT

"Planted po ang mga nakuha," giit ni Dante.

Mahaharap sa reklamong ilegal na pag-iingat ng baril ang suspek alinsunod sa umiiral na gun ban at sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act. —Ulat ni Dianne Dy, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.