Negosyanteng dawit sa P6.4 bilyon 'shabu' smuggling case arestado

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Negosyanteng dawit sa P6.4 bilyon 'shabu' smuggling case arestado

ABS-CBN News

 | 

Updated Feb 04, 2019 08:11 PM PHT

Clipboard

(UPDATED) Inaresto ngayong Lunes ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang negosyanteng isinasangkot sa P6.4 bilyon "shabu" shipment na nakalusot sa Bureau of Customs noong Mayo 2017.

Kinumpirma ni NBI Anti-Drug Division head Joel Tuvera na nasa kustodiya na sila si Dong Yi Shen o alyas "Kenneth Dong."

Inaresto si Dong sa bisa ng isang alias warrant of arrest sa Katarungan Village, Muntinlupa City alas-2 ng hapon.

Ipi-prisinta raw si Dong sa press conference sa Miyerkoles.

ADVERTISEMENT

Sinasabing si Dong ang middleman sa pagkakapuslit ng higit P6 bilyong pisong halaga ng shabu sa Valenzuela City noong 2017.

Itinanggi naman ni Dong ang paratang at sinabing nakaladkad lang siya sa isyu.

--Ulat ni Michael Delizo, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.