Hydroenergy project sa loob ng Isarog park, inirereklamo | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Hydroenergy project sa loob ng Isarog park, inirereklamo

Mylce Mella,
ABS-CBN News
Published Feb 10, 2017 08:09 PM PHT

Idinaan sa Facebook post ng mountaineer na si Jojo Villareal ang pagka-alarma nang makita ang minarkahang mga puno ng kahoy sa loob ng Mt. Isarog Natural Park sa Camarines Sur.

Tanda umano ito na puputulin ang mga kahoy para sa ginagawang kalsada papunta sa renewable energy plant na ginagawa sa lugar.

Mayroon nang nasa mahigit 400 shares at 300 likes ang kanyang post sa Facebook, kasabay ang ilang kumento mula sa mga netizen na kontra sa proyekto.

Proyekto ng Clean and Green Energy Solutions ang 1.5-megawatt mini-hydro project na 1 taon na ngayong ginagawa.
Proyekto ng Clean and Green Energy Solutions ang 1.5-megawatt mini-hydro project na 1 taon na ngayong ginagawa.
ADVERTISEMENT
Tinatayang 3 taon aabutin ang pagtatayo nito sa Barangay San Pedro, dating Aroro sa bayan ng Goa, Camarines Sur. Pacific Summit Construction Group naman ang nagtatrabaho dito.

Nagawa na ang access road sa lugar, pati ang mga lalagyan ng tubo. Sa tabi ng daan itinambak ang mga gagamiting water pipe, at magkakaroon din ng surge tank o imbakan ng tubig.

Batay sa plano, may bahagi ng Rangas River na ida-divert ang tubig para dumaan sa planta, na gagawing kuryente ang enerhiyang nagagawa ng mabilis na pagdaloy ng tubig. Ibebenta kinalaunan ang kuryente sa Camarines Sur Electronic Cooperative IV.

Marso noong nakaraang taon, sabi ni Punong Barangay Jinky Llagas, nang ipaalam sa kaniya ang proyekto. Naipakita naman umano sa kanya ang mga papeles na inabiso ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na hingin niya sa kumpanya.

“Malaki pong project iyan, siyempre may mga proseso. Bale nagtanong po ako kay Bong Moleda (ng DENR) kung ano ang mga papeles na dapat kong hingin,” ani Llagas sa wikang Bikol.

Ang Environmental Compliance Certificate (ECC), pirmado ni dating DENR Regional Director Gilbert Gonzales noong Nobyembre 2009.

Mayroon ding Certificate of Non-Coverage ang proyekto, na nagpapatibay na hindi nito kailangang makakuha ng ECC bago magsimula ng operasyon.

Kumpletong plano ng proyekto ang ipinakita kay Llagas, at ilan din daw sa kanyang mga kabarangay ang nabigyan ng trabaho sa proyekto.

“Gaya nitong mga taga sa amin, siyempre ang trabaho mahirap hanapin. Naging maayos kasi meron silang weekly income,” ani Llagas.

Tumanggi sa panayam ang project manager na si Engr. Homobono Serrano, pero siniguro nito sa ABS-CBN News na sinunod nila ang lahat ng kailangang dokumento para sa proyekto. Dagdag niya, nasa 73 punong kahoy ang in-apply nila sa DENR na putulin, pero ipinoproseso pa ng DENR ang permit.

Nagkaroon ng interes sa isyu ang Ateneo de Naga University Institute for Environmental Conservation and Research, at sa kanilang imbestigasyon, napag-alaman nilang nasa loob ng mismong natural park itatayo ang dam para sa hydro project.

“Kapag kumonti ang tubig diyan sa area na iyan, immediately downstream ng weir, maapektuhan yung mga organisms na nabubuhay diyan,” ani Joanaviva Plopenio, officer-in-charge ng ADNU-INECAR.

“Mayroon tayong batas, yung NIPAS law of 1992, tapos meron siyang implementing rules na nagsasabing bawal yang gawin sa natural park. So hindi yan payagan. Hindi yan dapat pinayagan.”

Para sa INECAR, expired na ang ECC ng Clean and Green Energy Solutions. Plano nilang isumite ang kanilang report sa DENR.

“As much as possible, sa national level na, kay Sec. Gina Lopez. Mas mabuting doon na para mabilis maaksyunan,” ani Plopenio.

Kung ang Department of Energy naman ang tatanungin, ayon sa spokesperson at undersecretary na si Wimpy Fuentabella, dating kongresista ng 4th district ng Camarines Sur, kailangang gamitin ang yamang natural para sa paglikha ng ibang klaseng yaman.

“We have to develop our natural resources for wealth creation, for us to compete with other countries. We have to be very logical and scientific in approaching all these problems…if we keep on delaying certain projects then we will have a problem,” aniya.

Mahalaga ang Mt. Isarog Natural Park bilang napagkukunan ng malinis na tubig ng mga bayan na nakapalibot dito, kabilang na ang Naga City.

Malinis na hangin ang dala nito, at tahanan din ito ng mga endemic species gaya ng Isarog shrew rat, cloud frog, at forest skink.

Taong 2002 naideklarang natural park ang Mt. Isarog.

Read More:
Mt. Isarog
green energy
clean energy
natural park
hydro energy
hydro project
Camarines Sur
Tagalog news
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT