Sen. Pangilinan, nangangamba sa nagaganap na umano'y vegetable smuggling

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Sen. Pangilinan, nangangamba sa nagaganap na umano'y vegetable smuggling

ABS-CBN News

Clipboard

Pagtatalumpati ni vice presidential Kiko Pangilinan sa isang campaign event nila ni presidential aspirant Leni Robredo sa Quezon Memorial Circle noong Peb. 13, 2022. Fernando G. Sepe Jr., ABS-CBN News

BENGUET - Nababahala si vice presidential candidate at Senator Kiko Pangilinan nitong Biyernes sa nagaganap na umano'y vegetable smuggling.

Sa isang maikling interview, inihayag ng senador ang kanyang pagkabahala na nalulugi ngayon ang vegetable farmers dahil sa naturang smuggling.

"Matindi ang problema ng smuggling lalo na ng vegetable tulad ng carrots. Mula pa noong July hanggang sa ngayon patuloy. Sabi nila yung mga vegetable farmer dito, ang nawawala mga 2.5 million pesos a day," sabi ni Pangilinan.

Aniya, bumababa ang demand ng gulay dahil sa mga pumapasok na supply, gaya ng carrots na galing China.

ADVERTISEMENT

"Napakatindi nung impact nitong pinapasok itong smuggled na gulay. Ang ating mga magsasaka, hirap na nga, patung-patong na nga ang problema, dinadagdagan pa," ani ng vice presidential bet.

"Naghahanap tayo ng paraan at solusyon para tugunan itong problema ng smuggling na dagok sa ating mga vegetable farmer dito sa Benguet Province," dagda pa niya.

Si Pangilinan ay ang kasalukuyang chairman ng Senate Committee on Agriculture and Food, at isa ang pagpapabuti sa sektor ng agrikultura sa mga isinusulong niyang adbokasiya sa kanyang pagtakbo sa ikalawang pinakamataas na pusisyon sa gobyerno.

-- Joyce Balancio, ABS-CBN News

BALIKAN

Watch more in iWantv or TFC.tv

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.