LTFRB, mag-iisyu ng show cause sa operator ng naaksidenteng jeep
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
LTFRB, mag-iisyu ng show cause sa operator ng naaksidenteng jeep
ABS-CBN News
Published Mar 01, 2019 09:26 AM PHT
|
Updated Mar 01, 2019 09:48 AM PHT

MANILA - Mag-iisyu ng show cause order ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) laban sa operator ng naaksidenteng jeepney sa Antipolo City.

"Sa tingin ko meron nang show cause order 'yan," ayon kay LTFRB Executive Director Atty. Samuel Jardin.

Sa panayam sa DZMM Biyernes ng umaga, ipinaliwanag ni Jardin na nag-iisyu sila ng show cause order 24-oras matapos na magkaroon ng aksidente.

"We order the operator, the driver or those involved to show cause why no admin penalties will be imposed against them," aniya.

Umabot na sa 20 ang mga pasaherong nagtamo ng sugat nang tumagilid ang jeepney na minamaneho ni Rogelio Andres Narito sa kahabaan ng Marcos Highway sa Antipolo City, Huwebes ng umaga.

Sa kuha ng CCTV sa lugar, makikitang nabangga ng jeep ang isang motorsiklo at concrete barrier sa gilid ng kalsada bago tumigil, at ilang pasahero ang tumalsik at gumulong sa bangketa.

Reklamo ng ilang pasahero na mabilis ang pagpapatakbo ng driver. Pero itinanggi naman ito ng driver.

Sinagot na ng operator ng jeep ang pagpapagamot sa mga biktima.

Read More:
Tagalog news
aksidente
Marcos Highway
Antipolo City
jeep
pasahero
motorsiklo
LTFTB
show cause order
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT