Lola sugatan matapos ma-hit-and-run ng pulis sa Ilocos Norte
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Lola sugatan matapos ma-hit-and-run ng pulis sa Ilocos Norte
Dianne Dy,
ABS-CBN News
Published Mar 03, 2020 08:37 PM PHT

Isang lola ang tinakbuhan ng pulis matapos siya mabangga ng SUV nito sa Vintar, Ilocos Norte nitong Biyernes.

Ayon kay Clarita Pascua, naglalakad lang siya sa gilid ng kalsada nang marinig niya ang sasakyan ng pulis sa kaniyang likod.

"Tatakbo na sana ako, pero nabangga na ako," ani Pascua sa bernakular.

Sumigaw umano siya ng tulong, pero tinakbuhan siya ng pulis. Ang mga residente na lamang ang nagdala sa kanya sa pagamutan.

Nabali ang apat na buto sa tadyang ni Pascua, na nagalit sa kaniyang sinapit mula sa pulis.

"Pulis pala. Dapat sila ang nagdadala sa naaksidente sa kalsada. Takot naman pala!” aniya.

Sumuko naman ang suspek sa pulisya sa Laoag, kung saan siya nakadestino.

Sinubukan siyang kunan ng pahayag, pero kasalukuyan itong nakabakasyon.

Ayon sa imbestigasyon ng mga awtoridad, nawalan ng kontrol ang pulis sa kaniyang SUV, dahilan ng pagkabangga sa matanda.

Hindi pa nasampahan ng kasong kriminal ang pulis, pero haharap siya sa kasong administratibo.