Grade 9 student sa Cotabato patay dahil umano sa sapak ng kaklase
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Grade 9 student sa Cotabato patay dahil umano sa sapak ng kaklase
ABS-CBN News
Published Mar 06, 2020 05:29 PM PHT

PIGCAWAYAN, Cotabato — Patay ang isang 17 anyos na grade 9 student sa bayan na ito noong Martes matapos umano suntukin ng kaniyang kaklase dahil sa pikunan.

Kuwento ni alyas "Marites," ina ng estudyante, Martes nang may tumawag sa kaniya para puntahan ang anak dahil sa isang emergency.

Hindi niya inakalang sa ospital na madaratnan ang anak at sinisikap na i-revive ng mga doktor.

"Masakit sa akin, hindi pa ako talaga maka-move on," ani Marites.
"Masakit sa akin, hindi pa ako talaga maka-move on," ani Marites.
ADVERTISEMENT
Sa imbestigasyon ng Pigcawayan Municipal Police Station, Martes ng hapon nang mangyari ang insidente sa loob mismo ng classroom.

Sa gitna ng paglilinis ay nagkaasaran at nagkapikunan umano ang biktima at ang kaklase, at doon na nangyari ang panununtok.

"Matawag natin na away-bata lamang na simpleng kantiyawan so nagkapikunan sila, and it resulted sa suntukan. Agad na-pacify naman ng teacher pero natamaan na sa panga 'yung isang bata, after nun based sa investigation ay nag-collapse itong bata at agad dinala ng teacher sa ospital," ani Police Maj. Reynaldo Delantein, hepe ng Pigcawayan Municipal Police Station.

Nasa kustodiya na ng Municipal Social Welfare and Development Office ang 15-anyos na sumapak sa biktima.

Ayon sa principal ng paaralan, malinis ang record ng 2 bata na sangkot sa insidente. Tumanggi na itong magbigay ng iba pang detalye.

Patuloy ang imbestigasyon sa pangyayari.

—Ulat ni Lore Mae Andong, ABS-CBN News
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT