Tagaytay, ilang tourist spots nagbalik sigla na sa Alert Level 1

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Tagaytay, ilang tourist spots nagbalik sigla na sa Alert Level 1

ABS-CBN News

Clipboard

Mark Demayo, ABS-CBN News
Mark Demayo, ABS-CBN News

MAYNILA — Balik-sigla na ang ilang mga tourist destination sa unang linggo ng Alert Level 1 sa maraming lugar sa bansa.

Buong pamilya ang kasama ng mag-asawang Gerardo at Lilibeth Faustino, na nagdiriwang ng wedding anniversary, sa pagpasyal sa Tagaytay para mag-picnic.

Anila, ito ang unang beses nilang magba-bonding sa labas makalipas ang dalawang taon dahil sa pandemya.

“Matagal kaming hindi nagkita-kita eh. Nasa Maynila sila eh, kami galing ng Leyte, saka ‘yung mga bata, para maging masaya. Kasi sobrang higpit noon, hindi makalabas,” anila.

ADVERTISEMENT

Ayon sa Tourism Office ng Tagaytay, dumami na ang mga tao sa mga pasyalan, tulad ng Picnic Grove at People’s Park, bagama't hinihintay pa ang opisyal na datos na lalabas sa Marso 8.

Nitong Pebrero unang naranasan ang pagdagsa ng mga namamasyal dito sa Picnic Grove. Ngayong unang linggo ng Alert Level 1, naramdaman agad ang pagbabalik pagbabalik ng pre-pandemic na sitwasyon.

Umaasa ang mga negosyante na magtutuloy-tuloy na ang kanilang pagbangon mula sa dalawang taong paghina ng kita.

Si Ricky na naglilitrato sa mga gustong sumakay sa kabayo – balik na sa hanggang limandaang piso kada araw ang kita. Dati ay hindi pa umaabot ng isandaang piso ang kaniyang kita.

“Okay na po sir, nakakaahon na po kahit papaano,” aniya.

ADVERTISEMENT

Ayon sa Tourism Office, dumami na rin ang mga inquiry sa mga hotel at malakas na uli ang pasok sa mga kainan, at ramdam na ang trapik sa lungsod. Katunayan – may mga bago nang kainan ang mga itinatayo ngayon.

“May pag-increase na talaga ng trapik. Sabi nga ng isang establishment na pinuntahan ko noong nakaraan ... ngayon lang ulit nangyari ito for a very long time. Huling nangyari ito was December,” anila.

“Mas dumami po ‘yung guest natin mas okay kaysa dati ang ating mga employee, madadagdagan ‘yung araw ng pasok. Para din sa kanila, sir.”

Sa Laguna – balik-operasyon na ngayong Marso ang theme park sa Santa Rosa, pero tuwing weekend pa lang.

"Ang Enchanted Kingdom kasi is a generally open space. So, we accept fully vaccinated and unvaccinated guests. Pero kung ikaw ay vaccinated, makaka-discount ka. For our indoor venues, ang puwede lang pumasok ay vaccinated adult and unvaccinated children," anila.

ADVERTISEMENT

Ayon sa Department of Tourism, sa Boracay – pumalo naman sa higit 80,000 ang mga turista nitong Pebrero.

Nasa 100,000 ang bisita noong February 2020 o bago mag-pandemya.

Sa Baguio – 20,000 turista kada araw na ang tinatanggap, mula sa P5,000. Sa Metro Manila – Intramuros naman ang dinarayo.

“Actually, tuloy-tuloy eh. hindi nauubos ang puwedeng puntahan by land, by air ng ating mga kababayan,” anila.

Patuloy na gumaganda ang sitwasyon ng pilipinas sa COVID-19 ngayon. Limang araw nang mas mababa sa isanlibo ang mga naitatalang bagong kaso.

ADVERTISEMENT

Inaasahang sasadsad sa 500 ang mga kaso kada araw sa katapusan ng Marso, ayon sa Octa Research. Mababa pa rin ang paggamit ng COVID beds at ICU.

Sa kabila nito—nagpaalala pa rin ang OCTA na hindi pa maituturing na wala nang peligro, at posible pa rin ang panibagong surge.

“Based on patterns sa other countries, puwedeng bumalik even ‘yung omicron kahit na may immunity na tayo against omicron or we think na may population protection tayo against omicron, this can still wane kung wala tayong boosters at kung hindi na tayo sumusunod sa minimum public health standards. Even in the past ‘di ba nakikita natin every three months, nagkaka-surge tayo,” anila.

Ayon sa OCTA, hindi pa rin nawawala ang posibilidad ng bagong variant at nananatili ang panganib habang may pagtaas pa ng mga kaso sa ibang bansa, tulad ng kapitbahay ng Pilipinas na Hong Kong at South Korea.

—Ulat ni Michael Delizo, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.