Lalaking natagpuang patay sa puno posibleng nagpakamatay
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Lalaking natagpuang patay sa puno posibleng nagpakamatay
Gracie Rutao,
ABS-CBN News
Published Mar 07, 2017 12:19 PM PHT
|
Updated Mar 07, 2017 04:16 PM PHT

Inilibing na nitong nakaraang lingo ang mga labi ng lalaking natagpuang nakasabit sa mga sanga ng puno ng mangga sa Barangay San Francisco, Lubao, Pampanga.

Naniniwala ang live-in partner nito na sinadyang magpakamatay ng kinakasama nang siya'y palayasin matapos madiskubre na di umano'y ginagalaw niya ang 11-anyos na babaeng anak mula pa noong Grade 4 ito.

"Sinadya niya 'yan....kaya nga pinaalis ko para wala nang mangyari sa kanya...baka anuhin pa siya ng pamilya ko kaya pero hindi kayang gawin yan ng pamilya ko,” sabi ng live-in partner ng biktima.

Ayon sa pulisya, nakikitang posibleng anggulo sa krimen ang suicide.
Ayon sa pulisya, nakikitang posibleng anggulo sa krimen ang suicide.
ADVERTISEMENT
"Kung inakyat man yan matutukod nya yung kamay makakapalag at mahuhulog sya... nakonsensya yan dahil nga ni-rape yung anak,” sabi ni Police Superintendent Michael Masangkay.

Pinatotohanan din ng medico-legal results na nagalaw ang 11-anyos na bata.

Pero para sa pamilya ng lalaki, hustisya ang hiling nila.

Ngayong linggo inaasahang lalabas ang resulta ng autopsy ng bangkay nang matukoy ang tunay na dahilan kung ano ang ikinamatay at bakit napunta sa puno ng manggahan ang biktima.