Lolong ilang taon umanong inabuso ang mga apo, arestado sa Catanduanes
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Lolong ilang taon umanong inabuso ang mga apo, arestado sa Catanduanes
ABS-CBN News
Published Mar 08, 2022 12:09 AM PHT
|
Updated Mar 08, 2022 03:42 PM PHT

Arestado ang isang lalaking ilang taon umanong ginahasa ang mga apo sa Barangay Supang sa Caramoran, Catanduanes noong Miyerkoles.

Sa bisa ng warrant of arrest, arestado ang 63-anyos na suspek sa halos 1,500 counts ng rape sa mismong mga apo nito.

Ayon sa pulisya, biktima ng suspek ang mga menor de edad na apo nito na noo'y edad 8 at 9, na kaniyang pinagsamantalahan mula Hunyo 2016 hanggang Nobyembre 2021.

“Bale apo po niya magpinsan po, sa ngayon po under custody na po sila ng DSWD regional office, nag-uundergo na po sila ng counseling," ayon kay Police Lt. Rommel Mabelin Aringo ng Caramoran police.

Nagsumbong umano ang mga biktima sa mga kaanak tungkol sa ginagawa sa kanilang panghahalay ng kanilang lolo kaya nahuli ito.

Paalala ng mga awtoridad sa mga magulang, pakabantayan ang mga anak para maiwasan ang kahalayan at pang-aabuso.

“Sana po mabantayan po ng maayos ang kanilang mga anak. Sana yung nag-aalaga na lalaki o mga kapatid, dapat may limitasyon po, dapat see to it ng mga magulang na may limitasyon po, kung hanggang saan lang po sila, para hindi humantong sa ganitong pang-aabuso," dagdag ni Aringo.

Walang inirekomendang piyansa para sa suspek na nakakulong na ngayon sa Caramoran Municipal Police Station.

Ang suspek din ang itinuturing ng Philippine National Police sa Bicol na most wanted ng rehiyon.

- Ulat ni Gracie Rutao
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT