2 pulis timbog sa pangongotong sa Agusan del Sur

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

2 pulis timbog sa pangongotong sa Agusan del Sur

ABS-CBN News

Clipboard

Inaresto noong Lunes ang 2 tauhan ng Philippine National Police-Highway Patrol Group (PNP-HPG) sa bayan ng Prosperidad, Agusan del Sur dahil sa umano ay pangongtong.

Hinuli ang 2 tauhan ng HPG sa entrapment operation na ikinasa ng PNP Integrity Monitoring and Enforcement Group (IMEG) at lokal na pulisya, sabi ni PNP IMEG director Col. Ronald Lee.

Nagsagawa ng operasyon ang PNP-IMEG laban sa mga pulis matapos makatanggap ng sumbong ukol sa umano ay pangongotong ng mga ito sa mga driver ng van at delivery truck sa Barangay Poblacion, sabi ni Lee.

May ranggong staff sergeant at corporal ang mga nahuling pulis, na haharap sa mga kasong administratibo at kriminal.

ADVERTISEMENT

-- Ulat ni Zhander Cayabyab, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.