Babae patay matapos saksakin ng live-in partner sa Bukidnon

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Babae patay matapos saksakin ng live-in partner sa Bukidnon

ABS-CBN News

 | 

Updated Mar 12, 2023 07:07 PM PHT

Clipboard

Patay ang isang babae matapos saksakin ng live-in partner sa tinitirahang bahay sa Poblacion Sur, Don Carlos, Bukidnon, Sabado ng hapon.

Dalawampu't dalawang taong gulang ang biktima habang 27 taong gulang ang suspek.

Sa imbestigasyon ng Don Carlos Municipal Police Station, nag-away ang dalawa.

"Mayroon po silang alitan gawa ng ang biktima gusto niya sanang kunin ang kanyang anak para sana ipa-dede. Nine months old pa itong bata. Ayaw ibigay ng suspek. Doon nga po nagsimula ang kanilang heated arguements," sabi ni Don Carlos Municipal Police Station chief Police Maj. Patrick Castro.

ADVERTISEMENT

Pinagsusuntok ng suspek ang biktima hanggang sa sinaksak niya ito gamit ang basag na salamin.

Dead on arrival sa ospital ang biktima dahil sa natamo nitong sugat sa iba't ibang bahagi ng katawan.

Nagtangka pang tumakas ang suspek, pero naabutan din ng mga pulis at nahuli.

Ayon naman sa Bukidnon Provincial Police Office, posibleng nasa impluwensya ng ilegal na droga ang suspek.

"On the account sa ating napagtanungan na mga neighbors ay identified daw ito, allegedly, na gumagamit ng ipinagbabawal na gamot," sabi ni Police Col. Reynante Reyes, Provincial Director ng Bukidnon Police.

ADVERTISEMENT

Dagdag ni Reyes, higit isang taon pa lang na nagsasama ang maglive-in partner.

"Palaging napapansin na nag-aaway itong dalawa," ayon kay Reyes.

Sasampahan ng kasong murder ang suspek.

Hihingi rin ng pahintulot ang pulisya sa korte na isasailalim ang suspek sa drug test.

-- ulat ni Rod Bolivar

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.