'Tipid-tipid na naman': Mga kutsero problemado sa limitadong negosyo sa Intramuros | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

'Tipid-tipid na naman': Mga kutsero problemado sa limitadong negosyo sa Intramuros

ABS-CBN News

Clipboard

Ang kutserong si Eseng Cruz, problemado kung saan kukuha ng pangkain sa araw-araw ngayong isinara ang ilang pasyalan sa Intramuros sa Maynila sa harap ng pagsipa ng bagong COVID-19 cases. ABS-CBN News

MAYNILA - Dumadaing ang ilang kutsero sa Intramuros sa Maynila sa muling pagsasara ng ilan sa mga pasyalan sa lugar, sa harap ng pagsipa ng COVID-19 cases.

Pebrero 17 nang muling buksan sa mga lokal na turista ang Intramuros. Ngayon, sarado muna ulit sa mga turista ang Fort Santiago, Casa Manila, at Baluarte San Diego.

Ang kutserong si Eseng Cruz, problemado kung saan kukuha ng pangkain sa araw-araw.

"Eh tiyaga-tiyaga lang po. Medyo may sumasakay kung minsan. Minsan, wala. Akala nga namin nung nakaraan, diretso na yung paghahanapbuhay namin eh,” ani Cruz.

ADVERTISEMENT

“Ngayon, tipid na naman kami. 'Yung ulam sa umaga, hanggang gabi na,” dagdag niya.

Watch more in iWantv or TFC.tv

Pero ang alaga niyang si Cardo, hindi puwedeng magutom.

"Eh medyo, sa kabayo, hindi namin puwedeng gutumin 'yan, kasi mawawalan ng katawan. Kailangan bago tao, kabayo muna. Kasi ang tao, nakapagtitiis. Ang kabayo, hindi,” ani Eseng.

Una nang ipinaliwanag ng pamunuan ng Intramuros na bahagi ang pagsasara ng ilang pasyalan sa kanilang “voluntary precautionary measure” o pag-iingat laban sa pagkalat ng COVID-19.

Tatagal ang pansamantalang pagsasara hanggang Marso 31, 2021.

— Ulat ni Johnson Manabat, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.