Silawan slay itinuturing na 'crime of passion': PNP

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Silawan slay itinuturing na 'crime of passion': PNP

ABS-CBN News

 | 

Updated Mar 19, 2019 08:17 PM PHT

Clipboard

(UPDATED) Matinding bugso ng damdamin ang nagtulak sa 17 anyos na lalaking suspek na patayin si Christine Lee Silawan, ayon sa tagapagsalita ng Philippine National Police (PNP).

Si Silawan ang 16 anyos na natagpuang patay noong nakaraang linggo sa Lapu-Lapu City, Cebu. Binalatan ang kaniyang mukha, tinanggal ang ilang lamanloob, at sinaksak nang 30 beses.

"Ito ay crime of passion," sabi ngayong Martes ni PNP spokesperson Police Col. Bernard Banac sa isang press briefing sa Camp Crame.

"Matinding bugso ng damdamin, galit, o selos, patungkol ito doon sa naging relasyon sa biktima," ani Banac.

ADVERTISEMENT

Kinumpirma ng National Bureau of Investigation (NBI) noong Lunes na naaresto nila noong Sabado ang isa sa 3 suspek sa pagpatay kay Silawan.

Isa sa mga batayan sa paghuli sa binatilyo ay ang mga pribadong pag-uusap nila ng biktima, na nagpapahiwatig na may problema sa kanilang relasyon, ani Banac.

Samantala, inilabas naman ng NBI ang CCTV footage noong Marso 10, ang araw na huling nakitang buhay si Silawan.

Watch more in iWantv or TFC.tv

Mapapanood sa kuha na kasamang naglalakad ni Silawan ang kaibigang lalaki papunta sa nagtitinda ng balut.

Sinundan ng suspek ang dalagita, base sa kuha ng CCTV.

ADVERTISEMENT

Bandang alas-6 ng gabi, nakuhanan ng CCTV sa isang subdivision na kasama ng suspek na naglalakad ang dalagita.

Dating nobya ng suspek ang biktima, ayon sa NBI sa Central Visayas.

Kasong murder in relation to Cybercrime Prevention Act of 2012 ang isinampa laban sa suspek.

Patuloy naman ang paghahanap ng mga awtoridad sa 2 pang suspek.

Hindi pa tukoy ng mga awtoridad kung kanino mapupunta ang P2 milyon pabuya.

-- Ulat nina Zhander Cayabyab at Leleth Rumaguera, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.