Mga magbebenta sa palengke nang lagpas sa SRP ngayong COVID-19 lockdown binalaan

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Mga magbebenta sa palengke nang lagpas sa SRP ngayong COVID-19 lockdown binalaan

ABS-CBN News

Clipboard

MAYNILA - Nagbabala ang ilang ahensiya sa mga negosyanteng mananamantala ng presyo ng mga bilihin sa mga palengke kasabay ng pagkakaroon ng lockdown sa buong Luzon dala ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ayon sa Department of Trade and Industry (DTI), paparusahan alinsunod sa Price Act ang mga negosyantang mananamantala ng presyo ng mga agricultural products na ibinebenta sa palengke gaya ng karne, ilang gulay, at asukal.

Nakapako kasi dapat ang presyuhan ng mga ito ngayong may "price freeze" na ipinapatupad sa mga pangunahing produkto, dala ng pagdeklara ng "State of Calamity" sa buong bansa dahil sa COVID-19.

Sa naunang inilabas na circular ng Department of Agriculture, ipinapatupad ang SRP sa mga sumusunod na produkto:

ADVERTISEMENT

  • Pigue→P190/kilo
  • Whole chicken→P103/kilo
  • Tilapia→P120/kilo
  • Bangus→P162/kilo
  • Galunggong (imported)→P130/kilo
  • Brown sugar→ P45/kilo
  • Refined white sugar→P50/kilo
  • Bawang (imported) →P70/kilo
  • Bawang (local) →P120/kilo
  • Red onion → P95/kilo

Pinag-aaralan din ng DA ngayon kung dadagdagan pa nila ang listahan ng mga produktong lalagyan ng SRP.

Nagpaalala ang DA sa mga mamimili na maaaring isumbong ang mga vendor na hindi magpapatupad ng SRP sa mga numerong: 8926 8203 o 8928 8741.

-- Ulat ni Raya Capulong, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.