TRENDING: Bata binigyan ng ‘DIY’ moving-up ceremony sa Pampanga sa gitna ng quarantine
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
TRENDING: Bata binigyan ng ‘DIY’ moving-up ceremony sa Pampanga sa gitna ng quarantine
ABS-CBN News
Published Mar 20, 2020 03:51 PM PHT
|
Updated Mar 20, 2020 04:33 PM PHT

Ngayong naantala ang ilang school events, gaya ng graduation at moving-up day, may sorpresang inihandog ang pamilyang Tuazon para sa kanilang 4 anyos na pamangkin sa Apalit, Pampanga

Excited talaga ang batang si Azrael Tuazon para sa kaniyang Day Care Moving Up Ceremony, ayon sa kaniyang tita na si Femy Jean Tuazon.

Pero naantala ito dahil suspendido ang ilang school events kasabay ng pagpataw ng enhanced community quarantine - bagay umano na ikinalungkot ng bata.

Para mapasaya ang bata, naisip nilang mag-anak na bigyan siya ng sariling moving up.
Para mapasaya ang bata, naisip nilang mag-anak na bigyan siya ng sariling moving up.
ADVERTISEMENT
Kanya-kanya silang toka mula sa kung sino ang magpapatugtog ng musika hanggang sa sino ang maghahanap ng props sa paligid.

Ayon kay Femy Jean, labis ang naging kasiyahan ni Azrael lalo pa't kahit practice ay hindi nagawa ng bata sa paaralan.

Ipapakita dapat nila sa ina ni Azrael na nasa Taiwan ang video kaya in-upload sa social media, na kasalukuyang may 21,000 reactions at 14,000 shares.

Payo ni Femy Jean sa mga magulang na may nalulungkot na mga anak, kausapin lang ang mga ito at ipaliwanag ang kahalagahan ng kalusugan.

Read More:
PatrolPH
Tagalog News
COVID-19
Bayan Mo Ipatrol Mo
trending news
news
balita
Pampanga
regional news
BMPM
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT