Sunog sumiklab sa Valenzuela
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Sunog sumiklab sa Valenzuela
ABS-CBN News
Published Mar 22, 2019 11:56 AM PHT
|
Updated Mar 22, 2019 02:21 PM PHT

MANILA - Isang bata ang nasaktan nang sumiklab ang sunog sa isang residential area sa lungsod ng Valenzuela, Biyernes, kung saan 50 bahay ang natupok.

Sa video na kuha nina Bayan Patroller Dennis Lim at Maine Labao, nakitang nagliliyab ang apoy sa Sitio Libis pasado alas-10 ng umaga.

Pinauwi na ang mga estudyante ng Antonio M. Serafico Elementary School sa pangambang umabot ang sunog sa paaralan, sabi ni Fire Officer 1 Keisah Joseph ng Valenzuela City Fire Department.

Mabilis kumalat ang apoy dahil gawa sa light materials ang mga apektadong bahay. Aabot sa 30 firetruck ang rumesponde sa sunog.

Wala namang naitalang namatay sa sunog at inaalam pa ang halaga ng ari ariang naabo.

Alas-12:02 nang ideklarang fireout ang sunog. -- May ulat ni Jeck Batallones, ABS-CBN News