Nagpanggap na pulis, tumangay ng lisensiya, pera tinutugis

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Nagpanggap na pulis, tumangay ng lisensiya, pera tinutugis

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Pinaghahanap ngayon ng Quezon City Police District (QCPD) ang isang lalaking nagpanggap na pulis, at nanguha ng lisensiya at pera mula sa isang tricycle driver.

Pinara ng lalaking nagpakilalang pulis ang tricycle na minamaneho ni Jonathan Magan noong Sabado sa Congressional Avenue.

Sinabihan ng lalaki si Magan na hinuhuli ito dahil sa paglabag sa batas trapiko. Kinumpiska niya ang lisensiya ng driver at P30,000 na ipangkakarga sa mga gasul na negosyo ng may-ari ng tricycle.

Natuklasan kalaunan na modus lang pala ng lalaki ang umano ay paghuli.

ADVERTISEMENT

Kinumpirma ng QCPD na hindi nila kasamahan ang lalaki.

"Nagpapanggap sila na pulis eh wala naman po tayong mga pulis na ganito," ani Police Lt. Col. Alex Alberto ng QCPD Station 3.

Pinaiikutan na rin ng QCPD ang mga lugar na tinatambayan ng lalaking nagpanggap na pulis.

"Umaapela kami sa publiko na makipagtulungan po kayo," ani Alberto.

Ikukumpara naman ang video ng suspek sa rogue's gallery para malaman kung dati na bang may rekord ang lalaki sa pulisya. --Ulat ni Doland Castro, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.