Mga pasahero, tsuper dama ang hirap sa 'NCR Bubble' ECQ

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Mga pasahero, tsuper dama ang hirap sa 'NCR Bubble' ECQ

ABS-CBN News

Clipboard

Hirap na makasakay ang ilang commuter sa Alabang-Zapote Road matapos ipatupad ang enhanced community quarantine. Alinsunod sa health protocols, 50 porsiyento lang ang kapasidad ng mga pampublikong sasakyan. Anjo Bagaoisan, ABS-CBN News

MAYNILA - Isang oras naghintay ang nurse na si Althea De Ocampo ng masasakyan sa may Alabang-Zapote Road, umaga ng Martes.

Nagtatrabaho siya sa isang private clinic sa Maynila, at dahil hindi siya agad makakuha ng masasakyan ay na-late siya.

“Sana dagdagan nila ang jeep or mga bus dagdagan nila, kasi mahirap siya sa mga commuter na katulad namin, lalo na frontliner kami. Kailangan kami sa mga clinic, sa mga ospital, maraming mga pasyente ngayon,” ani De Ocampo.

Matagal ding nag-hintay ng masasakyan ang iba pang commuter.

ADVERTISEMENT

Karamihan sa mga dumaraang jeepney at bus, puno na dahil 50 porsiyentong capacity lang ang maaaring isakay.

Dama rin ng mga tsuper sa Bacoor, Cavite ang mababang kita.

"Ang koleksyon ko P100, papuntang Baclaran. Ang gusto nila 5 lang ang sakay. Ang krudo ko P200,” anang tsuper na si Jerry Bolpa.

Dahil dito, nagpakalat ng libreng sakay ang mga ahensiya ng gobyerno para mga manggagwa sa "NCR Plus" bubble.

Watch more in iWantv or TFC.tv

May 44 ruta ang libreng sakay. Nananawagan ang Department of Transportation sa mga jeepney at bus operator at driver na may LTFRB-approved na ruta na sumali sa programa.

ADVERTISEMENT

P11 ang singil para sa jeepney driver, at P23 naman para sa mga bus driver.

Aabot sa 60,000 na mga tsuper ang target ng DOTr at LTFRB sa byong bansa, pero higit 36,000 pa lang ang nag-avail nito.

"So yung mga ruta pong dadaanan diyan maari po diyang sumakay 'yung ating mga kababayang APOR (Authorized Persons Outside Residence) nang libre. Sa service contracting, ibig sabihin 'yung atin pong mga driver, per kilometer basis ay meron po silang incentive na nakukuha from the government,” ani DOTr Asec. Goddes Hope Libiran.

May iilan ding lokal na pamahalaan na may sariling libreng sakay gaya ng Pasig.

— May mga ulat nina Anjo Bagaoisan at Ina Reformina, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.