Pulis na nahuli sa 'pot session,' biktima ng frame-up?

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Pulis na nahuli sa 'pot session,' biktima ng frame-up?

Raffy Santos,

ABS-CBN News

Clipboard


MANILA - Nag-positibo ang isang mataas na opisyal ng pulis sa iligal na droga, isang araw matapos siyang mahuli sa isang drug den sa Las Pinas City, ngunit ayon dito ay gawa-gawa lang ang mga alegasyon laban sa kanya.

Nitong Biyernes ay lumabas pansamantala sa Las Pinas City Police Station si Superintendent Lito Cabamongan, ang opisyal ng pulis na nahuli umanong gumagamit ng iligal na droga noong Huwebes, para sumailalim sa inquest proceedings.

Pero pumalag si Cabamongan, at sinabing pineke ng kapwa pulis ang mga alegasyon laban sa kanya.

“Pag nag-positive na ako, ibig sabihin, pinositive nila ako,” ani Cabamongan.

ADVERTISEMENT

Ang resulta ng kanyang drug test ay nanggaling sa Philippine National Police (PNP) Crime Laboratory, kung saan mismo nagtatrabaho ang opisyal.

Dagdag naman nito, nangangamba siya umano para sa kanyang kaligtasan sa loob ng istasyon ng mga pulis sa Las Pinas.

“May asset ako, sabi tatamnan daw ako ng baril, tapos papatayin ako dito sa loob [ng kulungan],” ani Cabamongan.

Itinanggi naman ito ng hepe ng mga pulis sa Las Pinas.

Nauna nang itinuro ni Cabamongan ang isang kapwa pulis, si Chief Inspector Joselito Savares, bilang umano niyang supplier.

Itinanggi ito ni Savares, pati na ng director ng PNP Crime Laboratory na si Chief Superintendent Aurelio Trampe.

Ani Trampe, inutusan niya si Savares na bantayan si Cabamongan dahil marami daw mga ulat ukol sa umanong masama nitong asal sa kapwa pulis, at mga sibilyan sa Las Pinas at Muntinlupa.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.