Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Namuo ang tensyon sa UP Diliman matapos magdeklara ng bagong chancello sa naturang paaralan. Courtesy: Tinig ng Plaridel
Nagkasigawan at nagkatulakan sa UP Quezon Hall nitong Lunes nang opisyal na magdeklara ng bagong upong UP Diliman chancellor.
Sa simula ay maayos at masayang nagsagawa ng demonstrasyon ang mga tagasuporta ni dating UP Diliman Chancellor Fidel Nemenzo.
Kanya-kanya pa silang pamamahagi ng magandang ginawa ni Nemenzo sa kaniyang termino.
Members of the UP community show their support to UP Diliman chancellor Fidel Nemenzo. Zyann Ambrosio, ABS-CBN News
Kabilang dito ang mabilis na pagtugon at pagtutok sa kaso ni UP Professor Melania Flores na dating inaresto ng Quezon City Police District.
ADVERTISEMENT
Hanggang sa dulo, tumulong umano si Nemenzo na makalaya si Flores. Mabilis din umano siyang tumutugon sa hiling ng UP community.
"Naka-focus kami in endorsing Nemenzo... Napakalaking improvement nng ating UPD chancellor sa kaniyang first term — mapapakita pa rin niya ito sa second term... dapat laging pakinggann ng UP Board of Regents (BOR) ang UP community dahil kami ang stakeholders at kami ang pinakanaaapektuhan," ani Latrell Felix, chairperson ng UP student council.
Pero nang lumabas ang desisyon ng BOR pasado ala-1:30 ng hapon, hindi napaboran ang kanilang hiling at idineklarang bagong chancellor si UP College of Law Dean Edgardo Carlo Vistan II.
Doon na nagkatensyon at makikita pa sa Twitter account ng “Tinig ng Plaridel” na pilit binubuksan ng mga tao ang pintuan ng UP Quezon Hall.
Nagtataka umano sila kung bakit sa 11 na miyembro ng BOR, apat lang rito ang bumoto pabor kay Nemenzo.
Ayon sa UP community, hindi aabot sa 10 ang nasaktan sa tulakan, pero wala naman umanong nasugatan.
ABS-CBN is the leading media and entertainment company in the Philippines, offering quality content across TV, radio, digital, and film. Committed to public service and promoting Filipino values, ABS-CBN continues to inspire and connect audiences worldwide.
Our website is made possible by displaying online
advertisements to our visitors. Please consider supporting
us by disabling your ad blocker on our website.
Our website is made possible by displaying online
advertisements to our visitors. Please consider supporting
us by disabling your ad blocker on our website.