Sinakong pawikan, na-rescue sa Palawan

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Sinakong pawikan, na-rescue sa Palawan

Diana Lat,

ABS-CBN News

 | 

Updated Jan 27, 2019 04:20 PM PHT

Clipboard

Pinakawalan rin ng awtoridad ang pawikang nasagip sa Barangay Calibangbangan sa bayan ng Linapacan sa Palawan, Abril 10, 2018. Photo courtesy of Linapacan Municipal Police Station

LINAPACAN, Palawan - Nanghihina na ang isang pawikan nang masagip ng Linapacan Municipal Police Station sa Takling Island, Barangay Calibangbangan, Martes ng umaga.

Nakasilid ito sa isang sako at inilagay sa tagong parte ng isla.

"Talagang nasa loob siya ng isang sako. Nakatago siya sa loob ng kuweba. Talagang pinag-interesan ito na i-trade," ayon kay Senior Inspector Aldrin Atienza.

Pumunta ang pulisya sa lugar matapos na may makarating sa kanilang report na talamak ang ilegal na bentahan ng pawikan sa naturang barangay.

ADVERTISEMENT

"Through text message lang po yung information ng ating concerned citizen na talagang may nangyayari po na bentahan ng pawikan dito sa Barangay Calibangbangan, Linapacan, Palawan," ani Atienza.

Samantala, ilang metro mula sa napagkunan ng pawikan ay nahuli naman ang 2 mangingisda dahil sa pag gamit ng kompresor.

Tinitingnan ng awtoridad ang posibilidad na may kinalaman ang 2 sa sinakong pawikan.

Matapos na makipag-ugnayan sa Municipal Agriculture ay pinakawalan din ang pawikan pasado ala-una ng hapon.

"May nakausap ako actually na residente dyan. Talagang may namimili (sa) southern Palawan. Mga taga- Balabac daw. May nakausap kami buhay na pawikan ang binibili, meron naman china-chop chop na nila," sabi ni Atienza.

Hiling ng pulisya ang kooperasyon at suporta ng mga residente upang masawata ang ilegal na gawain sa lugar.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.