Digos City mayor positibo sa COVID-19

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Digos City mayor positibo sa COVID-19

ABS-CBN News

Clipboard

Nagpositibo sa COVID-19 si Digos City Mayor Josef Fortich Cagas. Retrato mula sa Digos City Government

Naka-isolate at nagpapagaling ngayon sa ospital si Digos City Mayor Josef Fortich Cagas matapos mag-positibo sa COVID-19, sabi ng lokal na pamahalaan.

Ayon sa pahayag ng Digos city government, natuklasang positibo sa respiratory disease ang alkalde nang lumabas ang swab test result nito noong Huwebes.

Patuloy naman umano ang paghahanap sa mga close contact ng alkalde.

Nanawagan ang city government sa mga nakasalamuha ng alkalde simula Marso 17, 2021 na makipag-ugnayan sa kanila para sa health assessment at assistance tulad ng libreng swab test at paggamit ng isolation unit.

ADVERTISEMENT

Nanawagan din ang pamahalaang lokal na makiisa sa pagdarasal para sa mabilisang paggaling ni Cagas.

Sa ngayon, may 771 kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Digos City.

— Ulat ni Hernel Tocmo

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.