5 provincial bus terminal sa Cubao, ipinasara

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

5 provincial bus terminal sa Cubao, ipinasara

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Ipinasara nitong Martes ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang limang provincial bus terminal sa Cubao, Quezon City dahil sa paglabag sa patakarang "nose in, nose out."

Sa ilalim ng patakaran, kinakailangan ng mga terminal ng wastong pasukan at labasan para hindi magdulot ng trapiko sa EDSA.

Kabilang sa mga ipinasara ang mga terminal ng Del Monte Land Transport Bus (DLTB), Lucena Lines, Alps Bus, Raymond Transportation, at Superlines.

"Gawan nila ng paraan na maka-comply sila sa nose in, nose out policy. Butasan nila 'yong likod nila. Kung hindi nila magawa iyon, walang solusyon," sabi ni MMDA Chairman Danilo Lim.

ADVERTISEMENT

Hindi nakapalag ang operations manager ng terminal ng DLTB nang paskilan ng closure order ang terminal at harangan ng lubid ang entrance.

Wala kasing lagusan sa likod ang terminal ng DLTB kaya iisa ang pasukan at labasan, na nagdudulot ng trapiko sa oras na magmaniobra ang mga bus kapag papasok o palabas ng terminal.

Kawalan din ng tamang lagusan ng bus ang dahilan ng pagtigil ng operasyon ng Lucena Lines at Alps Bus Company.

Mismong ticketing office naman ang isinara sa Raymond Transportation para hindi na ito makabenta ng mga tiket.

Inilipat ang mga nag-aabang na pasahero ng Raymond Transportation sa isa pang terminal sa Maynila.

Halos isang taon ang ibinigay ng MMDA sa mga terminal para makasunod sa "nose in, nose out."

-- Ulat ni Doris Bigornia, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.