Eksperto nagbabala sa pag-follow ng mga celebrity, organisasyon sa Twitter
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Eksperto nagbabala sa pag-follow ng mga celebrity, organisasyon sa Twitter
Jeffrey Hernaez,
ABS-CBN News
Published Apr 24, 2023 11:37 PM PHT

Pinayuhan ng technology editor at cyber security expert na si Art Samaniego Jr. ang netizens na doblehin ang pag-iingat sa pag-follow ng mga personalidad at organisasyon sa social media platform na Twitter.

Ito ay matapos tanggalin na ng Twitter ang ilang legacy blue check marks na dating palatandaan ng verified accounts.

Ibinalik din ito ng Twitter matapos ang ilang araw sa ilang account ng mga kilalang personalidad at organisasyon ngunit hindi sa lahat ng mayroon nito dati.

Ayon kay Samaniego, maari kasing dumami ang impersonator accounts o mga user na gumagamit ng pangalan at larawan ng mga personalidad at organisasyon ngayong marami sa mga ito ay wala ng blue check marks.

"Ang unang malaking problema niyan ay 'yung impersonator accounts, so pag wala tayong confirmation na ito talaga 'yung tao na ito, pwede tayo maniwala dun sa pino-post niya," aniya.

Isa ang pag-alis ng legacy blue check marks sa ilang Twitter accounts sa mga una nang ipinahayag na plano ng bagong may-ari nito na si Elon Musk.

Ito ay upang ma-monetize umano o pagkakitaan ang pagbibigay ng blue checkmark sa kanilang users.

"Pinag-uusapan 'yan ngayon kasi gusto daw nila i-streamline ang pagbibigay ng blue check at pag-monetize ng blue check. Pero 'yung first day of implementation niya ang nangyari, nagkagulo, kasi 'yung mga tao, dati meron tayo 400,000 yata na verified na may mga blue check, ngayon hindi na sila bumalik kasi mayroon ng bayad," ayon kay Samaniego.

Sa ilalim ng bagong Twitter Blue service, maaaring magkaroon ng blue check mark ang user kung magbabayad ito ng 8$ o halos P500.00 kada buwan, o $1,000 o mahigit P50,000 kada buwan sa mga organisasyon.

Kulay blue na check ang maaaring makuha ng individual user, gold check mark naman para sa mga negosyo, habang gray check mark para sa mga organisasyon.

Inirerekomenda ni Samaniego ang pagkuha ng verification check marks sa ilang personalidad

"Kailangan kasi din halimbawa ng ibang mga celebrities, mga news personnel na gaya mo, kailangang mong mag subscribe kasi mayroon kang additional length ng video na ilalagay mo, so meron siyang mga perks na kailangan din ng mga news person kagaya natin. Recommended siya for journalists, for celebrities, okay lang 'yun na mabayad tayo kasi kailangan natin ng mas mahabang content, mas mahabang time, na hindi mo makukuha pag free account ka lang at wala kang blue check," aniya.

Payo ni Samaniego, dapat mag doble ingat ang mga social media user kasunod ng pagtanggal ng maraming blue check marks sa mga personalidad at organisasyong gumagamit ng Twitter.

Una umanong dapat tingnan ang dami ng followers ng account na palatandaan ng isang lehitimong Twitter account ng mga kilalang personalidad.

"Kung paano chine-check sa tunay na buhay pag nakaita tayo ng balita na galing sa Twitter, galing sa Facebook o galing sa ibang social media (platform), dapat i-check natin, i-verify natin. Ugaling mag-double source, yung double source ibig sabihin pag nakita mo sa twitter na may in-announce yung isang tao, tingnan mo sa ibang social media (accounts) kung meron ba talagang nangyaring ganito, tingnan mo sa ibang mga sources kung tunay ba itong nangyari. Dapat i-double source natin yung mga nakikitang balita upang hindi tayo maging biktima ng fake news," aniya.

"Doble ingat tayo sa pag-follow at sa pagpapaniwala ng mga naka-post, kahit naman saan basta sa social media mag-ingat tayo kasi napaka-open ng social media at napakadaming misinformation at disinformation, kailangan natin i-verify ang mga nakikita natin bago natin i-share ang mga information na nakukuha natin online," dagdag ni Samaniego.

Una na ring inilunsad ng Facebook ang "Meta Verified" kung saan maaaring magbayad ang user upang ma-verify ang account at mabigyan ito ng blue badge. Nananatili namang libre ang verification ng mga account sa TikTok.