Lalaking nagpanggap na pulis, arestado

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Lalaking nagpanggap na pulis, arestado

ABS-CBN News

Clipboard

MAYNILA - Naaresto sa checkpoint sa NAIA Road, Pasay City ang isang lalaki na nagpanggap umanong pulis.

Ayon kay PO3 Robinson Alsol, pinara ang 35-anyos na suspek dahil walang itong helmet habang sakay ng motorsiklo.

Dito na nagpakilalang pulis ang suspek at nagpakita pa ng ID na napag-alamang peke pala.

"Kasi sa orihinal may middle name 'yun. 'Yung sa kaniya initial lang 'yung letter nila. Buong pangalan 'yun 'pag sa PNP," ani Alsol.

ADVERTISEMENT

"Tsaka 'yung badge number niya, malayong-malayo sa edad niya tsaka sa serbisyo niya."

Nakuha rin sa suspek ang isang 5 pulgadang kitchen knife.

Nanindigan naman ang suspek na siya ay isang pulis na may ranggong police officer 1.

Nakasuot siya ng police uniform at may badge, patch, at bullcap pa.

Napag-alaman naman ng mga pulis na isa palang tricycle driver ang suspek.

Mahaharap ito sa patong-patong na kaso kabilang ang usurpation of authority at paglabag sa Omnibus Election Code. - ulat ni Arra Perez, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.