Mga guro sa Pangasinan, sinanay sa skills at livelihood training

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Mga guro sa Pangasinan, sinanay sa skills at livelihood training

Joanna D. Tacason,

ABS-CBN News

Clipboard

URDANETA CITY, Pangasinan - Aabot sa 132 na guro mula sa Urdaneta Schools Division Office ang sumailalim sa Skills and Livelihood Training nitong Biyernes.

Dumaan sa food processing, commercial cooking, urban gardening, industrial arts, electronic product assembly at electrical installation ang mga guro na nagtuturo ng Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan sa elementarya.

Ginawa ang skills training sa Lananpin National High School, ang unang paaralan na nagsagawa ng senior high school sa Ilocos Region at TechVoc School sa Urdaneta City.

Malaking tulong daw ito lalo na sa mga Grade 4 hanggang Grade 6 na mag-aaral upang malaman nila kung anong kurso o skills training ang kanilang tatahakin pagdating ng junior high school.

ADVERTISEMENT

Hindi lang daw basta training ang ginawa dahil sasailalim din ang mga guro sa TESDA Qualification Assessment para malaman kung sila ba ay may kakayahang maging trainor at maaring mabigyan din ng accreditation at certification.

Paghahanda rin ito ng mga guro sa nalalapit na school year.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.