'All I did was calm him down': Bianca Jackes, nagsalita sa pananaksak ni Mark Cardona
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
'All I did was calm him down': Bianca Jackes, nagsalita sa pananaksak ni Mark Cardona
ABS-CBN News
Published May 06, 2018 01:17 PM PHT
|
Updated May 06, 2018 08:04 PM PHT

(UPDATED) Nagsalita na ang kinakasama ng dating PBA player na si Mark Cardona matapos masugod sa ospital noong Sabado dahil sa umano'y pananaksak ng naturang basketbolista.

Sa kaniyang Instagram Stories, ibinunyag ni Bianca Nicole Jackes na dalawang taon na silang hindi nagsasama ng 37 anyos na manlalaro.

"Mark and I are not together. We haven't been together for two years. He just showed up where I was staying with my two kids and attacked with me a knife and stabbed me," kuwento ni Jackes sa Instagram Stories matapos umanong operahan.

Pinabulaanan din ni Jackes, 25, ang sinasabi sa imbestigasyon ng pulisya na nagkaroon sila ng pagtatalo ni Cardona bago siya nito saksakin sa tinutuluyan niyang condo unit sa Makati.

Sa halip ay nasa impluwensiya aniya ng droga ang manlalaro nang puntahan siya para makipagbalikan.

"There was no argument that happened. Mark went there high on drugs trying to get back with me and I refused," sabi ni Jackes.

"All I did was try to calm him down," dagdag niya.

Nagpapasalamat din si Jackes at saksak sa braso lang umano ang kaniyang natamo.

"I'm really grateful that at least I just got stabbed in the arm. But it has done a lot of damage to my nerves, my muscles," aniya.

Nahaharap sa kasong attempted homicide at paglabag sa Anti-Violence Against Women and their Children Act of 2004 si Cardona, na sumailalim nitong Linggo sa inquest proceedings.

Noong 2016 kumalat ang balitang sinasaktan umano ni Cardona ang live-in partner. Nagtangka na ring magpakamatay ang dating basketball player sa pamamagitan ng drug overdose.

Nitong Pebrero, inireklamo naman si Cardona sa Pasay Prosecutor's Office dahil sa pagbebenta ng SUV na hindi siya ang nagmamay-ari.

Read More:
PatrolPH
Tagalog news
balita
Bianca Nicole Jackes
Mark Cardona
pananaksak
domestic violence
TV Patrol
TV Patrol Weekend
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT