Bahay sa Masbate, higit 2 dekada nang tinitirahan ng balinsasayaw

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Bahay sa Masbate, higit 2 dekada nang tinitirahan ng balinsasayaw

ABS-CBN News

 | 

Updated May 09, 2021 07:39 PM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Dagsa ang balinsasayaw na makikita sa labas ng bahay ng pamilya Ramirez sa Barangay Umabay Exterior, Mobo, Masbate tuwing mag-aala-6 ng gabi.

Hudyat ito, ayon sa mag-asawang Gemma at Cesar, na papasok na ang mga ibon sa kanilang bahay.

Ang dulong bahagi ng kanilang bahay ang nagsilbing tirahan ng mga balinsasayaw simula pa noong 1995.

"Hindi nga namin alam kung bakit d'yan sila tumira," sabi ni Gemma.

"Basta nung nagsimula kaming tumira dito, nariyan na sila. Nagsimula sa dalawa hanggang sa dumami na sila," sabi naman ni Cesar.

ADVERTISEMENT

Watch more in iWantv or TFC.tv

Pag kagat naman ng alas-5 ng madaling araw, maririnig na ang ingay ng mga balinsasayaw.

Naghihintay na buksan ang pinto para muling makalabas ng bahay.

Palaisipan sa mag-asawa kung bakit ang kanilang bahay ang napiling tirahan ng mga ito sa loob na ng mahabang panahon.

Pero ang sigurado nila, nagdala ng swerte sa kanilang pamilya ang balinsasayaw.

Simula nang dumating sa kanilang bahay ang mga balinsasayaw, naging magaan para sa kanila ang pamumuhay.

ADVERTISEMENT

Lima sa pitong anak nila ang nakapagtapos na ng pag-aaral na karamiha'y guro.

Nagkaroon rin sila ng negosyo gaya ng sari-sari store, hardware at koprahan.

"Para pang swerte, parang madali kitain ang pera, kasi dati bumibili lang kami ng mga bote," sabi ni Gemma.

Dagdag naman ni Cesar, "Para bang 'pag umalis sila and pagbalik sa bahay, may dalang biyaya."

Sa Bicol, may ilan na ring bahay pa ang na-ireport sa Department of Environment and Natural Resources na tinitirahan ng mga balinsasayaw.

ADVERTISEMENT

Ayon sa DENR, may mga bahay kasing angkop o paborableng tirahan para sa mga balinsasayaw. Tulad ng bahay ng pamilya Ramirez kung saan ang lokasyon ng pinto na madali lang pasukin ng mga balinsasayaw.

"Yung balinsasayaw kasi, ang natural habitat nila ay sa caves and sa dark areas. Siguro, nasira yung habitat nila and naghanap ng matitirahan na sa tingin nila safe sila. Posibleng malapit lang doon yung bahay na yun sa Masbate, kaya dun sila nag-seek ng shelter, lalo pa't yung area dun sa part ng kisame ay madilim and favorable para sa kanila," paliwanag ni Coastal Extension Officer, Cyrus Dela Cruz.

Ayon sa mag-asawang Ramirez, nariyan ang kanilang pag-alaga at pagmamahal sa mga balinsasayaw tulad ng pagmamahal din ng mga ito sa kanilang pamilya.

KAUGNAY NA BALITA:

Watch more in iWantv or TFC.tv

- Ulat ni Karren Canon

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.